5-I

10.1K 308 4
                                    

I

Wala si Kay sa unit nito pero hindi ito umalis ng tower. Nasa commercial area ito. Ang kailangan lang gawin ni Leighton para makita si Kay ay tumawid ng sky garden at bumaba ng ilang floors.

Habang nasa sky garden, diretso lamang sa exit ang tingin ni Leighton. Sinadya niyang sa pinakagitna maglakad. Kung gigilid siya sa railings, makikita niya ang ibaba. Katakut-takot na lula na naman ang aabutin niya. Even if Leighton is acrophobic, he finds it inconvenient and stupid to go down to the lobby and cross the street to get to the next tower.

Pagdating niya sa commercial area, hinanap niya kaagad ang sinabing café ni Kay. Nakita naman agad iyon ni Leighton at maging ang pakay na binata. Nakauniporme pa din si Kay. Kumportable itong nakaupo sa isang couch.

“Still in your uniforms at this hour, Eight?” Pinuna ni Kay ang suot ni Leighton na ipinagkibit-balikat lang ng huli.

“You’re the one to talk,” iritableng sagot ni Leighton.

“I should be home by now. Sinunod ko lang ang advice mo na magpalit ng number. I bought a new sim card. Anyway, you want something?” Kay asked Leighton, passing him the menu.

Before sitting down on the opposite couch, may inilapag na jotter pad si Leighton sa coffee table. “Here’s the project proposal and outline. Maayos na ang lahat. Ang kailangan mo lang gawin ay pag-aralan at i-research ang mga parts na h-in-ighlight-an ko.”

Inabot ni Kay ang jotter pad. He scanned through the pages. He can tell Leighton’s very organized. Halos nakikita na niya ang kabuuan ng kanilang project. Iwinagayway ni Kay sa harap ni Leighton ang jotter pad. “Puwede bang pahiram muna nito? Ibabalik ko kapag natapos ko na ang part ko. Is that okay?”

Leighton quietly nodded. “Encoded na ang lahat ng parte ko. ‘Yung sa iyo na lang ang hihintayin ko. I want you to hand it to me Monday next week. No extension para kung may ipaparevise ako sa iyo ay may oras ka pa.”

Ngumiti lang si Kay. “Masyado ka naman yatang seryoso.”

“Dapat lang na sineseryoso ang pag-aaral. Mahirap ang mag-aral kaya naman ang gusto ko ay tapusin ang lahat ng mga paghihirap ko habang estudyante pa ako. Ayokong kapag nasa professional level na ako ay saka ko aaralin ang mga bagay na nakalimutang ituro ng Prof. o kinatamaran kong aralin.”

Nangalumbaba si Kay sa mesa habang seryosong nakatingin kay Leighton. “Nakakainggit ka naman. Sana ay ganyan rin akong mag-isip.”

Imbes na ma-flatter si Leighton, pakiramdam niya ay naaasar siya ni Kay. Halos pantayan na siya nito sa class standing pero mukhang hindi ito kasing-seryoso niya sa pag-aaral.

Bumaling si Leighton sa hawak niyang nakabuklat na menu. Hindi na niya binasa iyon at muling isinara bago siya tumayo. “I better go home. Mag-usap na lang ulit tayo sa Monday.”

Patalikod na siya nang mahablot ni Kay ang isa niyang braso. Nakatungo ito nang lumingon siya kaya walang gaanong hint si Leighton sa ekspresyon nito. “Samahan mo muna ako. Please…”

Leighton can’t hardly explain how on Earth he granted Kay’s little request especially when he accompanied the bastard to the sky garden. Kung alam lang ni Leighton na doon nito balak mag-unwind, hindi siya magpapapigil na umalis.

Nevertheless, he needed to endure. Hindi puwedeng madiskubre ni Kay ang kahinaan niya.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon