25-II

4.7K 139 1
                                    

II

Alas singko en punto na ang oras sa wall clock na nasa kuwarto ni Leighton ngunit imbis na nasa kama siya at nagpapahinga, nakaupo siya sa isang sulok at nakatanga sa kawalan habang hawak-hawak niya ang cell phone niyang may panibago na namang dent. But that’s the least of his concerns at the moment.

He kept on thinking what the hell happened inside Kay’s unit.

“Seryoso ba talaga siya?!” Bigla niyang bulalas. It’s a good thing he’s alone or else people might think he’s going nuts. But he’s probably getting there.

What Kay said to him kept on ringing in his ears, worse than a broken record. Leighton buried his face on both of his palms after feeling flustered again.

Kay’s acknowledgement of him as a lover meant everything because in their unusual relationship, he was dominant despite of being younger. On the other hand, Kay only got his ego.

Ngunit nasanay man siya na nagpapapansin kay Kay, hindi pa rin pala siya handa na marinig mula sa binata ang mga salitang hindi pa niya naririnig na sinabi nito mula pa nang magkakilala sila. Parang hindi pa niya iyon deserve ngayon.

Marahas na ginulo ni Leighton ang buhok. Maybe it’s just the ruse of the alcohol he drank. Baka na-imagine lang niyang may sinabi si Kay pero wala naman?

Oh, hindi kaya ay pinaglololoko lang siya ni Kay? The bastard probably wanted to see how he will react to that lame confession. Sa madaling salita, gumaganti ito sa kanya.

Naalala rin niyang may sasabihin pa ito sa kanya na ipinagpaliban pa nito.

Hindi na interesado si Leighton kung anuman iyon. Madali na iyong hulaan. Kay might say something like ‘Fooled you.’

That’s it!

Para siyang muling nabuhayan pagtayo niya ng sahig. He walked towards his bed and let his body fall on the cushion. Itinulog niya ang natitirang oras bago mag-alarm ang kanyang bedside table clock at gumising paglipas ng ikalawa niyang snooze.

Pagkatapos niyang maligo, i-t-in-ext niya si Kay at sinabing hindi na siya magpapahatid sa university. Binilisan niya ang pagkilos para makaalis na siya kaagad.

Just after lunch nang makatanggap siya ng invitation mula kay Morris kaya inabisuhan niya kaagad si Kay na hindi na siya magpapasundo at kaagad iyong nagreply.

From: Pet Dog Kay

 

Iniiwasan mo ba ako?

Leighton had to smirk. Kay would never ask something like that. There was really a scheme behind this.

To: Pet Dog Kay

 

Don’t worry, hindi kita iiwasan bukas. So be ready.

 

Kay replied again, which slightly surprised Leighton.

From: Pet Dog Kay

 

Ano ang ipinagkaiba ng ngayon at bukas?

Tinatamad nang mag-type ng reply si Leighton kaya tatawagan na lang niya si Kay. Sasabihin niyang makikipagkita siya sa mga kapatid. Unfortunately, out of reach na ang cell phone ni Kay. Hindi na iyon bago sa kanya.

Nang pumasok siya ng kanyang first subject, in-approach siya ng kaklase niyang tinawagan niya kaninang madaling araw. Hindi gawain ni Leighton ang mag-apologize pero ginawa niya at nag-explain na aksidente lang niyang napindot ang call button.

He carried on his usual school day, hindi nga lang niya pinasukan ang last subject niya para hindi siya abutan ng rush hour. He wants to spend more time in Meta Haven dahil mukhang marami-rami silang dapat pag-usapan ni Morris.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon