27-III

4.2K 144 0
                                    

III

Pagkatapos mananghalian, sinundan ni Eight ang kanyang stepdad sa carpark kung saan naghihintay sa kanya ang kotseng ibinigay sa kanya ni Morris.

Morris was generous enough to buy him a latest Sedan. Ang hindi lang niya nagustuhan sa kotse ay ang kulay nitong puti. He wanted it black.

“Alam kong excited ka pero mas maganda kung kumuha ka muna ng student driver’s license mo bago mo ito gamitin.”

Hindi nakakaramdam ng kahit anong excitement si Leighton pero hindi na lang siya kumontra sa sinasabi ng kanyang amain.

“Of course, you need to learn how to drive. Hindi ba dati tinuturuan ka ng kuya mo pero umayaw ka?”

“I am learning. May nagtuturo sa akin,” Leighton said and smiled faintly. “Okay ako na saka ko na lang iyan gagamitin kapag nakakuha na ako ng license… but I want it repainted.”

“Ah!” His stepfather chimed in. “Sabi na nga ba at iyan ang sasabihin mo. Ako na ang bahala. Ipaparepaint ko ng itim.”

Sumimangot si Leighton. He crossed his arms. “Masaya ka ba na nalalaman mo ang mga preferences ko?”

Bahagyang tumungo ang kanyang stepdad. “Sorry, Eight kung masyado akong nagmamarunong… Gaya ng sinabi mo noon… I know where I stand. Pasensya na.”

Sumandal si Leighton sa gilid ng kanyang Sedan at taimtim na pinagmasdan ang kanyang amain. Before he left last year for the Duchess’ tower, he enjoys taunting his stepdad.

Hindi siya naniniwalang endless ang patience nito kaya naman sinubukan niyang alamin kung hanggang kailan ito tatagal. Unfortunately, siya ang sumuko. Siya ang umalis.

“Naaalala mo pa ba ang lahat ng mga pinagsasabi ko sa iyo noon?”

Umiling ang stepdad niya.

“Tell me,” Leighton said firmly.

Nakita niyang humugot muna ng malalim na buntong-hininga ang kanyang stepdad bago ito nagsalitang muli. He looked like he was being trolled.

“That I’m a gold-digger. Oportunista. Kahit kailan ay hindi mo ako kikilalanin bilang bagong asawa ng iyong mama…. M-May iba pa pero hindi ko na kayang banggitin pa…” halos mangilid na sa luha ang amain.

“Ha-ha…” Tumawa si Leighton kaya mas lalong nangilag sa kanya ang stepdad niya.

“B-Babalikan ko na ang mama mo. I-Ipatawag mo na lang ako kung may kailangan ka,” patalikod na ang amain nang hawakan ni Leighton ang braso nito.

“Shit, natatawa ako sa mga pinagsasabi ko noon. Kung makakausap ko lang ang sarili ko noon, I will call him an emo psychopath.”

Tumingin sa kanya ang amain, “Eight…”

Kaagad nawala ang bakas ng amusement sa mukha ni Leighton. Now he’s dead serious. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ng kanyang stepdad. “Kung titira ako dito, ayoko nang isipin ng iba na kinakawawa kita. You’re not a saint and I don’t deserve to be the villain here.”

“Bakit, Eight? May narinig ka na naman bang hindi maganda mula sa mga kasambahay natin? Sabihin mo kung sino at nang—”

“I apologize for all the things I’ve said to you.”

His stepdad froze in amazement. Leighton lets go of his arm in a harsh way. “It doesn’t really mean anything, tito. I just want to appease my feeling of stupidity back then. Nevertheless, I’m still cruel in my own little fucking way and you’ll be sorry if you make my mom cry.”

Ngumiti ang amain ni Leighton.  “I’ll work hard, Eight.”

Leighton smiled back. Iyon ang palaging sinasabi ng kanyang stepdad kapag determinado ito. Not ‘I’ll try my best’; not ‘I’ll see what I can do’. He could say his stepdad was one of those who can be considered larger than life, someone he’s envious of because he’ll never be one.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon