15-III

6.6K 209 6
                                    

III

Kunot-noo si Leighton nang mapagbuksan siya ng pinto. Nanatiling busangot ang mukha niya kahit pa ang nabungaran niya ay si Kay. Pakiwari ni Leighton ay mas mukha pa itong may iniindang sakit kaysa sa kanya.

Hinila pa lalo ni Leighton ang pinto at saka sumandal sa gilid. "Seryoso ba talaga ito? Dito ka lumipat? Bakit dito?" He demanded.

"Hindi na ako komportable sa kabilang tower, eh. Lalo na nu'ng malaman ko ang habit mo. Ayaw mo ba nu'n, magkapitbahay na tayo?"

"Fucked off," singhal ni Leighton.

Kay crossed his arms while staring at him. "Alam mo naman siguro dito sa tower, almost every week, may nagbebenta ng property. May isang matandang babae na nag-offer nitong unit na ito sa akin dati pa dahil ayaw niya ng view dito. Hindi ko alam kung ang malas ba niya o ang suwerte ko dahil lahat ng prospect buyer niya ay kapareho niya ng opinyon. Hanggang ngayon, for sale pa rin ito. Hindi pa ako nakakapagdesisyon kung dito ako titira. I just asked her to let me stay for a few days. Titingnan ko kung magugustuhan ko dito."

"Kung nandito ka lang pala... bakit kung umasta ka, parang nasa kabilang district ka pa?!"

Kay arched a brow. "So, you mean to say if I happen to be at an apartment few kilometers away from here, you'll still go?!"

"Why not? I don't see why not," Leighton simply answered then he peered inside Kay's unit.

"It's practically empty," ani Kay. Lumapit sa kanya si Leighton, bagay na ikinababagabag niya ngunit hindi niya pininahahalata. Yumakap ito sa kanya. Hindi nga ito nagbibiro, mataas ang lagnat nito.

"Tama iyong matandang babae, hindi maganda ang unit na ito, so leave your deal with her and just stay with me, at my place..."

Bahagyang inilayo ni Kay si Leighton sa kanya. Umandar na naman ang pagkaisip-bata ni Leighton. Mariin niyang pinisil ang magkabilang pisngi nito. "No. Don't ever think you can overrule me. Ako pa rin ang mas matanda sa ating dalawa."

"Aray! Masakit, ah?!" Pagalit na reklamo ni Leighton. Before he could say any more protest, hinawakan ni Kay ang braso niya. Isinara muna nito ang pinto bago siya nito hinila patungong elevator.

"SAAN TAYO PUPUNTA?!"

"Lower your voice," saway ni Kay. "Sa clinic. Doon ka dapat pumunta at hindi sa akin. Wala akong tyaga mag-alaga ng may sakit."

Pumalag si Leighton. "Sinabi ko lang sa’yo na masama ang pakiramdam ko para makonsensya ka nang bigla mo na lang akong iniwan kanina pero wala akong sinabing gusto kong magpaalaga sa iyo. I don't feel well but I'm not invalid. Hindi ko ito ikamamatay!"

“Then for Christ’s sake, Eight… can you please leave me alone? Atleast a day?”

Ting!

Bumukas ang isa sa mga elevators ngunit hindi sila sumakay roon hanggang sa magsara na.

Leighton looked down. “I… I just felt like seeing you. I want to be with you because it’s possible. Is that too much?” Pagkasabi nu’n, tinalikuran na niya si Kay para umuwi na.

Itinaas ni Kay ang isang kamay na kanina pa nanginginig. It was so bad Leighton doesn’t know what he’s been going through right now… but it can’t get any worse than knowing what Leighton feel at this very moment.

Nahila ni Kay ang likuran ng suot na sweatshirt ni Leighton. Awtomatikong lumingon ito sa kanya.

“After all the trouble… I am already with you now so why are you letting this chance slip away?” He asked him.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon