36-II

3K 109 6
                                    

II


Morris took another sip from his coffee. "Inaamin kong nagseselos ako. He's the favorite son. Partly, sinisisi ko rin siya kung bakit lumala ang sakit ni Daddy... I monopolized him thinking I could get even. Pero hindi ako nag-uutos ng mga walang kuwentang bagay sa kanya. You see, I am still the eldest son. I am responsible for everything my father left.


Walang interes si Leighton sa lahat ng tungkol sa corporation na minahal ni Daddy pero sa kanya iyon ipinangalan. By the time of our Dad's death, sumadsad sa 54% ang family's consolidated shares. 5% na lang at mawawala sa amin ang control sa board kapag pinagkaisahan kami. Those who trust Leighton are just showing sympathy for Daddy. Sympathy is not equivalent to loyalty. You and I know that.


I figured things may go for the worse if Leighton is being constantly involved in the affairs within the corporation. He was underage, inexperienced, and just a high schooler that time.


Mabilis lang lumipat ng bangka ang mga shareholders at investors kapag alam nilang hindi matibay ang sagwan. Leighton's scene on our dad's burial was quite successful. They instantly disliked him."


"And that's the best timing for you to sit as the OIC. Sabagay, mas maigi nga na lumipat sila sa panibagong Acosta kaysa sa ibang kumpanya." Dugtong ni Kay sa mahabang kuwento ni Morris.


"Can you praise me? Few years later, from 54% it's now 73%," pagmamalaki ni Morris. Kay just shrugged.


Inilapag ni Morris ang susi sa center table. "Wala akong interes sa kung saan isinususi iyan. Pero sa palagay ko mas maganda kung huwag mo na iyang ibigay kay Leighton."


Kinuha ni Kay ang susi at ibinulsa. "I'll still think about it—"


Both of them froze when they heard a loud buzz from the door. Hindi lang iyon iisang beses, sunod-sunod!


"May bisita ka yata," Ngingiti-ngiting sabi ni Morris. "At parang galit?"


Hindi pinansin ni Kay ang sinabi ni Morris. Tahimik siyang lumapit sa pintuan. Sumilip siya sa peeping hole. Nasapo niya ang kanyang noo nang mapagsino ang nagbu-buzz sa labas. Si Leighton.


When he turned around, Morris is already beside him. He, too, peeked at the hole. "A-ha! I see, you're in a pinch!" Pang-aasar pa nito sa kanya. Mabuti na lang at soundproof ang unit sa Duchess' kaya hindi maririnig ng nasa labas ang malakas nitong pagtawa.


"Don't just stand there and laugh, maghanap ka na ng mapagtataguan mo!" Utos ni Kay kay Morris.


"Ano?!"


Hinila na niya si Morris patungo sa kanyang walk-in closet. "Huwag kang lalabas diyan. Ready your phone. Bibigyan kita ng signal kung kailan ka puwedeng lumabas."


Tumawa na naman si Morris. "God! This is in the movies!"


"No, it's not." Kay was dead serious now. "At kapag hindi mo ginawa ang mga sinasabi ko, magpaalam ka na sa ospital mo, ibababa ko pa ang pinagmamalaki mong 73% at—"


Hindi pa siya tapos sa pagbabanta niya ay nagsara na ang pinto ng walk-in closet. Mabilis talagang kausap si Morris.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon