18-II

5.6K 190 6
                                    

II

“You…” Hindi makapaniwala si Leighton nang lumingon ang babaeng kasama ni Kay.

Ngumiti iyon. “Yes, me,” sagot ni Chezka. It’s got to be her. Pinansin nito ang suot niyang uniform. “I see you’ve transferred to another university… and wait…” She paused a bit. “Your hair seemed lighter in color now. Ang dami nang nagbago sa iyo, Eight.”

Naupo si Leighton sa bakanteng silya na nasa pagitan ni Chezka at Kay. Bumaling siya kay Kay. Mukha itong hindi apektado ng kung anupaman. “Ano’ng ginagawa niya dito?”

“I was on the other table,” Itinuro ni Chezka ang pinakamalapit na mesa sa gawing kaliwa nila. “Tapos nakita ko siyang naupo dito so I joined him.”

Leighton crossed his arms. “And then I’m here… so get lost.”

Imbes na maoffend, natawa si Chezka. “Bakit ba highblood ka sa’kin, Eight? I’m not doing—”

“I’m cool and I’m not even raising my voice so try not to lift your hopes up. I just don’t want any unexpected people on my table at lunch.”

Malapit nang mamangha si Leighton dahil hindi talaga tinatablan si Chezka sa mga sinasabi niya. Nasiraan na yata ito ng bait nang lumipat ng university.

Nagpasalit-salit ang tingin ni Chezka kay Leighton at kay Kay. “Wow, are you two really friends now? Hindi talaga ako makapaniwala.”

“Who told you we’re friends?” Maangas na sagot ni Leighton. “I am hi—” natigilan si Leighton nang maramdaman niyang inapakan ang paa niya sa ilalim ng mesa.

He instantly casted Kay with a murderous look. Fuck you! Paalisin mo na siya! Ang laman ng tingin niya kay Kay.

Bumaling si Kay kay Chezka. “I don’t really mind if you stay with us since wala ka namang kasama.”

Hindi makapaniwala si Leighton sa sinabi ni Kay. Nananadya talaga ito. Is it because he skived off?

Lumapit ang waiter at naglapag ng baso ng tubig sa harap niya bago ito naglapag ng isa pang menu.

“I’ll call you later if we’re ready to order,” abiso ni Kay sa waiter. He totally ignored Leighton and browsed the menu.

Leighton seized the glass of water. Gustong-gusto na niyang isaboy ang laman niyon kay Kay pero puwede rin namang kay Chezka. Pero ayaw niyang gumawa ng eksena na para bang siya pa ang nagmumukhang desperado.

So he purposely let the glass slip from his grip. Hinayaan niyang tumapon sa kanya ang lahat ng laman ng baso. The glass broke when it hit the marbled floor. It made a crashing sound which got the attention of almost everyone.

“It slipped,” Leighton said nonchalantly.

Dumulog sa kanila ang waiter at mabilis na dinakot ang mga shards ng baso. Kumuha ng cleenex si Chezka at sinimulan niyong pahirin ang nabasang uniporme ni Leighton.

“Hindi ka ba nasugatan ng bubog, Eight?” Worried na tanong ni Chezka habang patuloy na pinupunasan si Leighton.

Gustong magdiwang ng kalooban ni Leighton ngayong nakuha niya ang atensyon ni Kay. But that’s still not enough. “Lower, Chezka,” utos niya sa dalaga.

Ngunit bago pa sumayad sa torso niya ang kamay ni Chezka, hinila siyang patayo ni Kay.

“Come, let’s go to the washroom.”

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon