31-II

3.9K 121 0
                                    

II

"BOSS!"

Malayo pa lang, kumakaway na kay Leighton ang isang binatang nasa mid-thirties, younger than Morris by few years. Nakasuot ito ng formal suit at dark-rimmed eyeglasses. Makatayo siya sa tabi ng isang magarang company car.

"Ano'ng ginagawa niya rito?" Mahinang tanong ni Leighton sa sarili na balak niyang itanong mamaya kay Morris. Bihira lamang sila magkita ng taong nakaabang sa kanya at ang ibig sabihin ng mga minsanan nilang meetings ay may mga serious matters na kailangan nilang i-discuss, kahit walang nakikita si Leighton na bahid ng kaseryosohan dito. Sa ngayon.

Nang makalapit na si Leighton sa kotse, sinalubong niya kaagad ng masamang tingin ang lalakeng nakasuot ng formal suit. "Si Morris ang tumawag sa akin pero ikaw naman pala ang nakikipagkita sa akin?"

"I'm here," narinig ni Leighton ang baritonong boses ni Morris sa loob ng sasakyan. "Secretary Kian, make sure na hindi tayo niyan matatakasan."

"What the—?!"

Natigilan si Leighton nang hilahin siya ng secretary at sapilitang pinapasok sa loob ng backseat. Kamuntikan na silang magkauntugan ni Morris, if not for his partial resistance. Sumunod na pumasok sa loob ng kotse si Secretary Kian. Kaagad nitong isinara ang backseat door at ini-lock na rin.

Pagkaandar ng sasakyan, pinalo-palo ni Morris ang balikat ni Secretary Kian. "See? May pakinabang ang pagiging black-belter mo sa business world."

Leighton was irked because he was in between Morris and secretary Kian.

Lumingon sa kanya ang secretary at agad na humingi ng dispensa. "Sorry po, boss. Masakit ba?"

"Hindi naman," Leighton answered, not even bothering to hide his annoyance. Bumaling siya kay Morris. "What do you need me for?"

It definitely concerns serious business, Leighton was so sure of that. Namamangha talaga siya kay Morris kung minsan. Kahit ninety five percent ng bukambibig nito ay puro tungkol sa negosyo at pera, kataka-takang hindi nito inaangkin ang pinakamataas na posisyon ng kanilang corporation.

It was either Morris had a great respect for their late father's last wish, o may pinaplano itong kung ano sa hinaharap. Hindi maniniwala si Leighton kung sasabihin nitong concern ito sa kanya bilang nagmamahal na kuya.

Siya, higit kaninuman, ang nakakaalam kung gaano kaistrikto sa kanya ang panganay na Acosta. But for Leighton, it's not that bad. He could even thank Morris for being responsible of what he became now.

"Leighton, you're spacing out," pukaw sa kanya ni Morris. May sinasabi na pala ito ngunit hindi siya nakikinig. There's no way he could ask Morris to repeat everything. Morris will just taunt him.

"Bakit kasi pinagkakalat mo na OIC ka lang ng kumpanya? It's bothersome, you know?" Leighton blurted out.

Morris gave him a cold stare. "That's the last thing I need to hear from the sole heir of the Acosta empire."

"Sino'ng may sabing tinatanggap ko ang desisyon ni Daddy?" Leighton also casted his elder half-brother with a cold stare. "Ang sinabi ko lang naman sa iyo ay tutulungan kita sa pagma-manage."

Morris smirked. It was an obvious indication that he was ready to throw out his trump card. "I can make you change your mind tonight, you know?"

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon