7-I

9.4K 286 9
                                    

I

Ang sinusundan ni Leighton ay ang mga numero sa kada brass numbers ng mga pintong nadaraanan niya. Save for the letter indicating which tower is which, identical na ang floor numbers at maging ang mga unit numbers. Nang makarating siya sa pakay niyang floor, tiningnan niyang muli ang mga brass numbers. Nasa kaliwa ang even at nasa kanan ang odd.

Doon sa kabilang tower, even ang numero ng unit niya. Then Kay’s should be Odd.

Lumapit si Leighton sa isang pinto na katapat ng isang unit na ang numero sa brass number ay kapareho ng kanya. Tinakpan ni Leighton ang peeping hole bago siya nag-buzz.

He’s feeling hyper while waiting. Ano ang una niyang gagawin kapag pinagbuksan siya ni Kay ng pinto? Ano ang sasabihin niya dito?

Walang response mula sa loob. Inulit ni Leighton ang pag-bu-buzz. Inulit niyang muli. Sinunod-sunod na niya para mabuwisit ang mga tao sa loob at pagbuksan na siya.

‘Di nga nagtagal ay narinig na niya ang tunog ng binubuksang lock mula sa loob. He could also hear voices.

“Tumawag muna tayo sa security bago mo pagbuksan iyan!” hindi pamilyar kay Leighton ang boses na narinig niya. Iyon na siguro ‘yung lalakeng blonde.

“Huwag na. Hindi naman siya makakarating hanggang dito sa floor level na ito kung hindi siya kinuhanan ng identification ng guard—”

“But still—”

Napatanga si Kay nang makita kung sino ang pinagbuksan nito ng pinto. “I-Ikaw pala, Eight… How did you—?”

“Kilala mo ba iyan, Kay?”

Nilingon ni Kay si Yael bago muling bumaling kay Leighton. “Kaklase ko siya at partner kami sa isang project.”

Nawala ang lahat ng gustong sabihin ni Leighton. Him, visiting the other tower, knocking on somebody else’s door, and seeing two men warmly talking to each other like they’re live-in partners for a long time…

Him, getting a bit jealous…

Sandali… Ano na ang nangyari sa mundo? Na-transport ba siya sa isang alternative universe habang natutulog siya?!

Iwinagayway ni Kay sa harap niya ang kamay nito. “Eight, are you okay?”

Doon lang bumalik sa huwisyo si Leighton, dahil nakakainis ang itinanong sa kanya ng binatang kaharap. “NO! I’M NOT OKAY!”

Disente naman ang suot ni Kay, same pants and shirt Leighton saw him wearing earlier. Ibig sabihin, dumating siya sa tamang panahon. Hinawakan niya ang braso ni Kay at hinila ito palabas ng pintuan.

“May pag-uusapan tayo!” Leighton demanded.

Nakipaghilahan sa kanya si Kay. “Tungkol saan?” Nagugulumihanang tanong nito.

“Tungkol sa project! May mali kang output na ibinigay sa akin!”

Saglit na napaisip si Kay. “H-Huh? Wala na—”

“Sige na, Kay, baka iportante iyan kaya siya napasugod dito,” pa-cool na singit sa kanila ni Yael. Dumukot ito sa bulsa ng suot na amerikana ng sigarilyo. Isinubo niya iyon at sinindihan. Nagbuga siya ng usok bago muling nagsalita. “Go ahead. I’ll just wait here.”

Kay sighed. Isinuot niya ang kanyang sapatos at saka sumunod kay Leighton. Binilisan ni Kay ang paglalakad para makatabi si Leighton.

“Let’s visit the sky garden again…” yaya ni Kay kay Leighton.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon