21-II

4.8K 159 0
                                    

II

“Ma, your phone?” Pag-uwi ni Leighton ng bahay, nilapitan kaagad niya ang ina. Para itong namatanda nang iabot nito sa kanya ang cellphone nito.

He saved his number. “Huwag mo akong itetext o tatawagan maya’t maya or I’ll change my number again.”

Naiiyak na tumango ang mama niya. “Y-Yes, baby.”

This is the day he let people around him do as they pleased. Hinayaan niyang manatili si Meir sa kanila at umupo siya ng dinner table kasama ito at mga magulang niya.

But once he’s alone on the guest room he’s currently using, he felt horrible. He was full of frustrations and disappointments with Kay. He was just a master in bed. In real life, hindi niya magawang mapaibig si Kay. Nakakaawa siya kung hihintayin lang niyang lumipas ang dalawang taon para lang mahalin siya ni Kay.

Lumipas ang apat na araw nang hindi niya namamalayan dahil inaamin niyang nalibang siya. Nabawasan ang pangna-nag sa kanya ng mama niya. Meir keeps him company.

On Leighton’s last day of stay, umaga pa lang ay nagpaalam na si Meir dahil may pupuntahan ang pamilya nito.

Maghapong nakahiga si Leighton at panaka-nakang tumitingin ng oras sa bedside table clock. Bumangon siya nang mag-a-alas singko na para maghanda sa pag-alis niya.

Past six nang bumaba siya at nagpaalam sa mga magulang.

“Puwede ba akong dumalaw sa unit mo, baby?” Paalam sa kanya ng ina.

He shook his head. “Still no.”

“P-Pero, baby—”

“Ma, seryoso pa rin ako na gagawin ko ang sinabi ko sa’yo noon kapag dinalaw mo ako doon,” ani Leighton.

Nangimi sa takot ang kanyang ina. “O-Okay… ”

“Pero dadalaw ako dito.” What he said made his mom smile. Palabas na siya nang may bigla siyang maalala. “And stop sending me baskets of flowers. Wala naman akong gagawin doon.”

“Baskets of flowers? But I’m not—oh!” His mom giggled “May admirer ka?”

“What?!” Nagulat si Leighton. If it’s not his mom… who?

Leighton waved his hand to dismiss his convo with his mom. “Forget it. Aalis na ako.”

“Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid? Gabi na, mahirap nang mag-abang ng taxi.”

Hindi na pinansin ni Leighton ang pahabol na sinabi ng ina. Nilakad niya ang sidewalk palabas ng kanilang subdivision na may hila-hilang travelling bag.

Tumayo siya sa isang bahagi ng gate at naghintay. Ilang taxi na rin ang huminto sa harap niya pero inilingan niya lang. He wasn’t really waiting for a taxi. He was taking his time in making a decision.

Pagkatapos ng experience niya sa isang linggong pagtira sa bahay ng mga magulang niya, sa tingin niya ay puwede na uli bumalik sa poder ng mga ito.

Nangawit siya sa pagtayo kaya naupo siya. Past eight na nang muli siyang tumingin sa kanyang relo. Technically, may kulang sa apat na oras pa bago matapos ang isang linggo niya dito. He was holding on to those hours like a dumbass. Siguro ay gusto niyang malaman kung kaya niyang maghintay o kung paano niya kakayaning maghintay.

Though it seemed vague.

May narinig siyang ingay ng paparating na sasakyan pero hindi na niya binigyang-pansin dahil malamang ay taxi na naman iyon.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon