Kabanata 28

1.9K 110 17
                                    

Kabanata 28

Five months had passed. She's sitting on the  balcony of their condo unit in New Zealand. Hinimas niya ang tiyan niya habang umiinom ng gatas.

Polo was busy organizing their groceries. Kanina ay lumabas silang dalawa para mamili ng kakainin nila sa linggong ito.

"Polo, tumawag sa akin si Megan, nabanggit ko kasi na baka interesado siyang sumama sa charity natin sa Sabado." sabi ni Samuela.

Kinuha niya ang isang apple doon pati na rin ang kustilyo para magbalat noon. Tumaas ang kilay ni Polo nang matanaw siya at kinuha iyon sa kanyang kamay.

"Just sit down, Sam." utos nito at tinapik ang isang high chair.

Ngumuso si Samuela pero sinunod din iyon.

"Megan said she'll volunteer. Duda ako na dahil lang sa'yo kaya sasama. I think you'll make a good couple." she said.

Kumunot ang noo ni Polo sa sinabi niya. Ngumiti naman siya lalo ng makitang naiinis ang binata.

"Are you crazy? Baka nakakalimutan mo'ng kasal tayo, Sam."

Umiling si Samuela at tumawa. Ngumisi na lang din si Polo sa kanya at tinapos na ang pagbabalat ng mansanas. Nilapag niya ang platito noon sa harap ng babae.

"Pero crush mo ba?" natatawang tanong ni Samuela.

Umirap si Polo at nilagay na ang isang buong manok sa refrigerator.

"Nababaliw ka na talaga, Sam. Iniisip noong tao na magkakaanak na tayo. Your bump is very visible."

Tiningnan ni Samuela ang tiyan niyang medyo may kalakihan na nga. Noong umalis sila sa Pilipinas, hindi pa ito nahahalata.

Naitago nila kay Uno ang tungkol rito. Nagtagumpay rin ang plano ni Uno na palabasin na patay na ito. Mismong si Kristoff Querio ang nagsabi sa media na katawan nga ni Samuela ang nakita base na rin sa dna na nakuha doon.

Naalala niya ang malungkot na pag ngiti noong kumalat sa mga pahayagan na patay na siya. Naging mas mabilis ang paglipad nila sa New Zealand dahil doon.

Ngayon ay tahimik silang namumuhay ni Polo rito. Tatlong buwan na sila at medyo nakaadjust na. Minsan ay sumasali sila sa charity doon. Si Polo ay volunteer doctor samantalang siya naman ay sa pag-oorganize lang ng mga gamit.

"Tumawag si Mommy sa akin, Sam. Kinakamusta tayong dalawa."

Nilingon niya si Polo. Nakatingin na din pala sa kanya ang binata.

"Anong sinabi? May balita ba sa Pilipinas?" Tanong niya.

"Worried si Mommy, Sam. Malapit na raw matunton ng militar ang samahan. Noong isang araw ay nagkalead ang mga ito."

Nakuha na noon ang buong atensyon niya.

"Nabaril ng kampo natin si Major Querio."

"Ano?" Hindi makapaniwala niyang sabi. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha doon.

"Oo. Pinacheck ko kanina sa isa kong kaibigan. Hindi naman malala ang tama niya. Huwag kang mag-alala."

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now