Kabanata 23

1.9K 99 11
                                    

Kabanata 23

Maaga pa ay nagising na din si Samuela. Bumungad sa kanya ang iba, ngunit pamilyar na disenyo ng kwarto.

Bumangon siya at nilingon ang kanyang bahay. Namumugto ang mata niya ng makita ang sarili sa salamin. Pumasok siya sa banyo at naligo.

Nagbihis siya ng damit. Hindi siya nagugutom kaya naman kinuha niya sa banga sa sala ang susi ng kanyang motor. Katabi noon ang kanyang pouch kagabi.

Tiningnan niya ang cellphone at nakitang low battery na iyon. Sinuot niya ang helmet pagkatapos ilock ang bahay.

Tumungo siya sa sementeryo kung nasaan ang kanyang pamilya. Nanatili siya ng ilang oras doon bago napagpasyahan na pumunta sa dating bahay kung saan siya lumaki.

Sa Laguna iyon. Ilang oras din ang tinahak niya sa motorsiklo bago narating ang bayan. Tahimik iyon at maraming nagsisimba.

Ngumiti siya sa tanawin. Wala na siyang kakilala roon at may bago na ring nakatira sa bahay nila. Sapat na sa kanya ang pagmasdan iyon sa malayo.

Bumuhos ang mga masasayang ala-ala niya sa bahay na iyon. Ang paglalaro nila ng kanyang kapatid na si Serge. Pati na rin ang madalas nilang pagsisimba tuwing linggo.

Malungkot siyang ngumiti. Kung noon ay masaya ang tuwing Lingo niya dahil sa pamilya, ngayon ay mag-isa na lamang siya.

Kumalam ang sikmura niya kaya napagpasyahan niyang kumain muna bago maghanap ng inn. Gusto niyang manatili dito bago tumulak pabalik sa Maynila.

Kumain siya sa isang karinderya. Nang makahanap ng malapit na inn ay tumungo siya para makaligo at makapagpahinga.

Nanood lamang siya ng mga pelikula at nang mapagod ay natulog din. Nagising siya na gabi na.

Lumabas siya para kumain sa unang palapag ng inn ng ngitian siya ng tindera.

"Hija, walang luto ngayon at abala ang lahat sa carnival sa plaza. Pyesta na rito bukas. Alam mo naman 'pag bisperas,"

"Sige po. Doon na lang ako maghahanap." Aniya at lumabas ng inn.

Naglakad na lamang siya papunta sa plaza. Rinig ang malakas na kanta mula sa speaker. Madaming tao ang nakapila sa mga laro ng carnival.

Makukulay ang mga ilaw doon at nakakaenganyo. Lumapit siya sa mga stalls doon at bumili ng pagkain. Umupo siya sa isang plastic table.

"Miss, puwede makishare?" Tanong ng isang lalaki na may hawak na bowl ng lugaw.

Tumango siya at hindi nagsalita. Pinagpatuloy niya ang pagkain. Pagkatapos nito, ay pupunta siya doon sa mga palaro para maglibang.

"Wow, scramble? Saan ka bumili?" Tanong noong lalaki habang tinitingnan ang kanyang scramble.

Hindi niya alam kung hindi ba talaga nakita noong lalaki iyong stall ng scramble sa tabi nila o sinasadya iyon para magkausap sila.

Matangkad ang lalaki at halos kaedadan niya lang kung titingnan. Nakatshirt ito at isang cargo short. Hmm, not bad.

Napatagal na ang pagtitig niya sa lalaki kaya naman ikinaway nito ang palad niya sa harap.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now