Kabanata 11

2.1K 82 4
                                    

Kabanata 11

Hindi makatulog si Samuela. Tiningnan niya ang pinagmumulan ng mahinang kulog. Bumangon siya at tiningnan ang oras. Alas dyis na ng gabi.

Kahit na anong gawin niya ay tila 'di maalis sa kanyang isipan ang mga tanong. Tumutugma ang mga sinasabi ng ina ni Atty. Bustamante sa pahiwatig ng ina ni Cynthia.

Agad siyang lumabas ng kwarto at kumatok sa pintuan ng binatang sundalo. Ilang katok lang ay bumukas ito.

Napatitig siya sa binata na ngayon ay nakasuot ng puting tshirt at itim na shorts. Basa ang buhok at may tuwalya sa balikat.

May kung ano rito na nagpabilis ng tibok ng puso niya. Paano naging ganito kagwapo ang lalaking nakasuot lamang ng pang-tulog?

"Anong-"

"Can I talk to you?" Pagputol niya sa sasabihin ni Athos.

Tumango ang binata at binuksan pa lalo ang pintuan para makapasok siya. Umubo siya para pakalmahin ang sarili.

"Make yourself comfortable, Sam." Bilin ni Athos ng makita ang pagka ilang niya.

Comfortable? Really? She whispered in her head.

Umupo siya sa kama ng binata. Habang ang binata ay umupo sa office chair na naroon at pinunasan ang kanyang basang buhok.

"May nakalap akong impormasyon kanina sa pagtakas ko. Hindi siya malinaw pero sa tingin ko ay makakatulong." Pag-uumpisa niya.

"Where have you been today?" Tanong ni Athos sa dalaga.

"Atty. Bustamante's parents." Sagot ng babae.

"You know his address? Do you know him that much?" Sunod sunod ang seryosong tanong ni Athos.

Umiling si Samuela at inayos ang buhok niyang medyo magulo na sa paghiga kanina.

"No. As I said to the police, we're just acquaintances. I went to our library
to look for his records in our yearbook."

Tumango si Athos at dumungaw sa kanya habang nakaupo. Hindi maiwasan ni Samuela ang pagkalat ng mabangong aftershave at mint na amoy ng binata.

Hindi ito ang unang pagkatataong na makaamoy siya ng shaving cream. Madalas mag-ahit ang kapatid niya noon kaya hindi niya maintindihan kung bakit mabilis ang pintig ng puso niya.

"Alright. And what did you find?" Tanong nito.

Tumikhim si Samuela at tinitigan ang kulay brown na mga mata ng binata.

"May ginagawang ilegal ang mga Castaño. Adolf's mother said so."

Kumunot ang noo ni Athos sa kanya.

"It created a possibility na may kinalaman ang mga Castaño sa grupong hinahanap natin at binalikan nila si Frederick."

"Sinabi ng magulang ni Adolf na matagal na nilang pinagtitigil ito sa pagiging legal adviser ng mga Castaño sa takot na masangkot ito sa ilegal na gawain."

"Sinasabi mong nadamay  lang si Cynthia dahil sa kagagawan ni Frederick?" Tanong sa kanya ni Athos.

Natigilan si Samuela at inisip mabuti kung ano ang sasabihin niya.

"Maybe," she sighed. "Cynthia knows something."

"That is bullshit, Sam." Pag-iling ni Athos. He looked frustrated and a little bit mad.

Pumikit si Samuela.

"I hate to break it to you. But Cynthia's mom kinda slipped her tongue at the hospital."

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now