Epilogue

40.7K 686 80
                                    


Epilogue

Hindi mapigilan ni ZAC na tumitig sa babaeng kaharap niya. Dumating na talaga ang pinakahihintay niyang araw. Ikakasal na siya sa babaeng pinakamamahal niya.

"I, Zyril take you, Steffi to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better and for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, 'til death do us part,"

"I, Steffi take you Zyril to--"

"Stop this wedding!" sigaw ng isang babae na umagaw ng atensyon ng lahat.

Lumingon silang lahat at nakita si Kim sa pintuan ng simbahan at kasama nito si Jico.

"Hindi kayo p'wedeng magpakasal! I'm pregnant with ZAC's child and he should be responsible for this!" sigaw nito.

Napatingin siya kay Steffi nang marinig iyon. May puzzled expression ito at napapa-iling na lang sa narinig.

"Zyril, how could you?" hindi makapaniwalang tanong nito at may tumulong luha mula sa mata nito. Matapos no'n ay tumakbo ito palabas ng simbahan at hindi siya nagdalawang isip na habulin ito.

"Geneere! Magpapaliwanag ako!"

Nagulat na lang siya nang may magsaboy sa mukha niya nang tubig at nagising siya. It was all just a dream. Nakita niya ang sarili na natutulog sa sofa at nasa paanan niya si Kim nakaupo.

"Ba't hindi ka sumipot sa kasal?! You promised me!" sigaw nito saka siya pinagpapalo.

Bumangon siya at umupo ng maayos. Ni hindi pa siya maka-get over sa panaginip niya pero nandoon na si Kim at sinisermonan na siya. Nakasuot pa ito ng wedding gown at siya naman ay naka-tuxedo. Ni hindi niya namalayan na nakatulog pala siya.

"Ano na ang nangyayari sa labas?"

"Wow, after ng ginawa mo 'yan talaga ang tanong mo ha? The wedding is over,"

"Babawi na lang ako sa susunod,"

"Babawi na naman? 'Yan na lang ang lagi mong sinasabi pero wala naman nangyayari. You're all talk! I hate you!"

Padabog itong tumayo at nang lalabas na sa pinto ay sakto naman na pumasok si Zavier. Humalik ito sa pisngi ni Kim.

"Wala na naman ba sa mood ang asawa ko? Kasal natin ngayon kaya dapat masaya ka," sabi nito saka nilambing si Kim.

"Sisihin mo 'yang kambal mo! Ikaw na nga ang magalit dyan! Big day natin 'to pero hindi umattend at tinulugan lang tayo," sagot ni Kim.

"Sige, ako na ang bahala dito. Magbihis ka na at pupunta na tayo sa reception," sabi nito.

Lumabas na si Kim doon at iniwan silang magkapatid. Nilapitan siya ng kakambal at tinapik sa balikat.

"Tinulugan mo kami? Ba't sa lahat ng araw ngayon mo pa kailangan matulog?" reklamo nito.

"Hindi ko din inaasahan. Babawi na lang ako sa regalo ko sa inyong dalawa," sagot niya.

"Sige, aasahan ko 'yan bro. Maiwan na kita dito at sa reception na tayo magkita."

Iniwan na siya nito at inayos niya na lang ang sarili saka pumunta sa events hall ng hotel. Ngayong araw ikinasal sina Kim at Zavier. Limang taon na rin mula nang operahan si Steffi at sa loob ng limang taon na 'yon, hindi niya na ito muling nakita pa. Hindi na ito nakabalik kasama niya sa Pilipinas. Gayunpaman, ginawa niya pa din ang lahat para maisa-ayos ang buhay niya para kay Steffi... kagaya ng ipinangako niya sa nanay nito at hiling nito sa sulat nito sa kanya.

"Pre, sa'n ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap," tanong sa kanya ni Sean.

"Teka, bagong gising ka ba? Tinulugan mo lang si Kim. Patay tayo dyan!" sita ni Jerry.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon