Kabanata 6

2.3K 93 5
                                    

Kabanata 6

Hindi maiwasan ni Samuela ang kabahan. Nakatayo siya sa harap ng salamin habang inaayos ni Cynthia ang kanyang mask.

Ang kanyang mga mata ay mapanganib masdan sa ilalim ng kulay itim na maskara. Nakababa ang kanyang mahabang buhok, nang sa ganoon ay bumagay sa ear piece kung nasaan ang voice recorder niya.

Hinaplos niya ang pulang long gown. May glitters ito ay high slit para mas mabilis na madukot ang pistol na nasa hita niya.

Iniabot ni Cynthia ang isang kulay itim na purse. Tiningnan iyon ni Samuela pero ni walang bakas ng ngiti ang babae sa kanya.

Bumukas ang pintuan at pumasok doon si Athos. Nakasuot na ito ng uniporme ng waiter at suot na din ang kanyang maskara.

Hindi niya maiwasan na titigan ang balingkinitang katawan at ang napakagandang mukha ng dalaga sa salamin.

"You are all done." Ani Cynthia.

Tumango si Samuela at nakipagtitigan sa  binata sa salamin. Tumikhim si Athos at namulsa na.

"You look beautiful, Samuela." papuri ni Athos.

Mahigpit na hinawakan ni Samuela ang kanyang purse. Umubo siya para pagtakpan ang nanginginig na boses.

"Thank you, Major." She nodded.

Tumingin si Athos kay Cynthia na hindi maipinta ang mukha. Hindi niya alam kung bakit kahit anong gawin niya, ay hindi niya magustuhan si Samuela at ang paglapit nito kay Athos.

"You did well, Cynth. Thank you."

Ngumiti si Cynthia ng tipid at niyakap si Athos. Niyakap naman ito ng binata pabalik.

"This feels like the same when you leave for the mountains, Prescott. Please, be safe tonight." Ani Cynthia.

Tumango si Athos at hinaplos ang pisngi ni Cynthia. Ngumiwi si Samuela doon. Hindi niya mawari kung aalis ba siya para di makaistorbo o titikhim siya para malaman nila na nanonood siya.

Nagpapasalamat siya ng bumukas ang pintuan at pumasok si Xed. Naputol ang titigan ng dalawa.

"Sir, handa na ang sasakyan. Nasa venue na po sina Froilan."

Tumango si Athos at sinilip ang kanyang relo. Inayos nito ang kanyang vest at hinawakan si Samuela sa braso para tulungan sa paglalakad.

"Mauuna na kami, Cynthia. Ipapahatid kita kay Greg. Nasa baba siya para mag checkout." Bilin niya at niyaya na si Samuela.

Habang nasa elevator ay tahimik silang tatlo. Panay buntong hininga lang nila ang naririnig.

"Always be cautious, attorney. Hindi ka namin mababantayan ng ganoon kalapit. Just promise me, you'll be safe and communicate with us when needed." Aniya.

Tumango si Samuela at naglakad papunta sa sasakyan na naghihintay sa baba ng hotel. Umupo si Xed sa driver's seat. Magkatabi naman sila sa backseat.

Samuela read about the Flower of Death Sorority Foundation. They are behind the feminist group in the country. They sponsored rallies and strikes for women rights.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now