Untitled Part 73

1.8K 78 7
                                    


THIRTY minutes later, nakasiksik si Olivia sa pagitan ng dalawang rice dealer stalls. Hilera talaga iyon ng mga tindahan ng bigas. Bigasan. Behind it was the wet goods section of the market. Somewhere in there was the gambling den. Small time lang naman raw, libangan ng mga tao doon kaya kahit paulit-ulit na ipasara at i-raid, nandoon pa rin--ayon iyon lahat kay Rius.

Hindi pa siya binabalikan nina Trini doon, ibig sabihin, nakita ng mga iyon si Manong Fred at kinakausap pa. Habang naghihintay, hinihimay-himay ni Olivia sa isip ang mga nangyari noong prom night nila.

Inihatid siya ng kanyang daddy. Wala siyang partner dahil ayaw niyang kumuha ng ibang consort. Binanggit ng daddy niya na dadaanan nila si Marife. Ganoon na lang ang pagtutol ni Olivia. Nagtalo pa silang mag-ama, nagtampo pa siya ng kaunti dahil parang kampi ang ama kay Marife. Mas maganda rin daw na may kasabay siya kesa papasok siya na nag-iisa.

But that was exactly her drama that night.

A grand solo entrance.

She would show them her brand of defiance. And there was no way Marife would get a chance to ruin that. Nagbanta siyang magtatraysikel na lang pag ipinilit ng daddy niya na daanan si Marife. Bandang huli, nanaig ang gusto niya.

Hindi nga lang nangyari ang grand solo entrance na pinapantasya niya. Ang dami niyang kasabay na dumating at dumagsa sa harap ng registration desk. Pumirma sila ng attendance.

May mga partner ang kasabay nila. The boys got the corsages, ang mga iyon ang naglagay niyon sa kamay ng mga kapareha. Olivia would have to put on her corsage on her own. Ayaw sana niyang patulong...kaso ang hirap i-ribbon. Isa sa mga nakasabay niya ang tumulong sa kanya. A girl from another section. Hindi niya maalala ang pangalan. Basta naka-gown na blue.

She went in. Dumadagundong sa dibdib niya ang malalaking speakers sa tabi ng stage. Kalapit niyon ang mobile na inarkila.

Oh, Micky what apity you don't understand,

You take me by the heart when you take me by the hand.

Oh, Micky you'te so pretty you don't understand,

It's guys like you, Micky...

Oh, Micky you're so fine...iyon ang tugtog na sumalubong sa kanya. But no one was dancing yet. Kanya-kanyang umpukan ang prom goers.

Ayaw man niyang aminin, tama ang daddy niya nung sinabihan siya na mahirap mag-prom na walang kasama.

Yeah, she could remember feeling truly alone that moment. She didn't have a gang. The only friend she had was pregnant and hiding. The boy she loved was not allowed to go to the prom.

Oh, Micky.

That song would always remind her of that feeling of complete isolation. Of wanting so much to dance but there was no one to dance with. And that was why she dreamt of a boy called Micky. Now, she fully understood.

Hindi lang naman siya ng walang ka-partner noon...but even the wallflowers were faring better than her. Nagsama-sama naman ang mga iyon. Naging bouquet. Siya, porke wala siyang kausap, siya ang kinalabit ni Miss Ramos at inutusang hanapin ang janitress para ipalinis ang natapon raw punch.

Pero lihim pa niyang ikinatuwa. At least, hindi na siya mukhang tanga masyado. May kailangan siyang gawin. Hinanap niya ang janitress. Kilala lang niya sa itsura pero hindi niya alam ang pangalan.

She searched the vicinity of the gym. Sumilip pa siya sa likod ng bleachers kung saan may tent ng caterer, naroroon ang mga cooler ng softdrinks at mga juice sa tetra packs.

From there, may nahagip ang mga mata niya sa kabilang dulo na aleng naka-maong at kung-fu shoes, usual get-up ng janitress. Umakyat iyon sa hagdan ng school building.

Sumunod siya, all because she wanted to appear busy. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang maisipan niyang luminga sa ibaba. Her heart skipped a beat. She thought she saw Corey. Black slacks white shirt--as in T-shirt--under black blazer. Pero imposible. Corey would not make it past through the registration desk.

But then again, may imposible ba kay Corey? Hindi lang naman isa ang puwedeng daanan papasok sa loob ng school....pero nang napakurap siya at hanapin uli si Corey, wala na.

She looked up and thought, this time, that she heard something upstairs. Nagpatuloy siya sa pag-akyat. May isang fluorescent light naman sa hallway, kita niya ang likod ng janitress, naglalakad papunta sa kabilang hagdan. Tinawag niya at tumakbo na siya palapit sa ale. Gulat na gulat ang janitress sa kanya. Dahil siguro umuulan na noon at panay ang kulog at malalakas na kidlat.

Sinabi niya ang pinapagawa ni Miss Ramos. Nasa hagdan raw ng stage ang kalat, baka may madulas pag umakyat. Oo, daw , lilinisin ng janitress, may pinapakuha lang daw ang isa namang teacher sa library. So, Olivia turned and walked where she came from while the janitress proceeded to the opposite stairs.

Dahil siguro sa pagsama ng panahon, sweet na ang tugtog sa prom.

I hear the clock tick and think of you...

Puno ng magkakaparehang babae at lalaki na sumasayaw ang gym. Nakiraan lang si Olivia.

She felt him mor than she heard him.

She turned.

"Olivia!" Si Trini, palapit na ito sa kanya, nasa likod si Rius na parang walang pakialam kung mabilis man maglakad si Trini.

She snapped out of the memories. Sinalubong na niya sina Trini,"Nakausap n'yo?"

Time After TimeWhere stories live. Discover now