Untitled Part 62

1.3K 56 3
                                    


SA dalawang linggo pa lang na nakakasama niya si Ate Ellen, ramdam na ni Olivia ang malaking pagbabago sa sarili niya. Sa katawan, sa pag-iisip. Mataba pa rin siya-- tabang-hangin daw, sabi ni Ate Ellen, malulusaw rin daw iyon, huwag niyang problemahin--pero hindi na mabigat ang pakiramdam niya. Nakakatakbo na siya paakyat at pababa ng hagdan. Kaya na niyang gumulong at makipaghabulan kay Tiff. Hindi na siya antukin sa araw kaya nakakatulog siya ng maayos sa gabi. Natutuyo na ang pimples niya at wala pa ulit tumutubong bago.

Interesado na uli siya sa appearance. Nagtatagal na siya sa harap ng salamin, nahihirapan na siyang pumili ng isusuot kagaya ng dati, bago nangyari ang trahedya sa buhay niya.

Nalulungkot at nagagalit pa rin siya sa sarili kapag naiisip ang ginawa niya kay Corey, pero kaya na niyang ibaling sa ibang bagay ang isip-- kay Tiff, sa pamamasyal kahit sa pelengke lang o grocery stores. Hindi na siya takot gumising tuwing umaga.

Gaya sa umagang iyon. Isinabay na niya sa paliligo si Tiff dahil lagi namang nakabuntot sa kanya.

""ya! 'Ya!" Tuwang-tuwa ito habang nasa malaking planggana na nilagyan niya ng maraming shampoo para bumula.

"Raise your arms like this." Itinaas ni Olivia ang mga kamay, "We will wash your kele-kele, we will hilod-hilod..."

"Papa, e-le!" Itinaas ni Tiff ang mga kamay sabay lukot ang ilong.

Olivia giggled, "Oo, si papa yukk ang kele-kele, pero 'wag ka maingay, shhhhh, bawal marinig ni lola sungit." Kapag nasa bahay ang kanyang daddy, hindi nila pinapalapit si Tiff kung kaharap rin sina Inay Doris, dahil hindi naman nila mapipigil si Tiff sumigaw ng 'papa'. Kapag wala ang kanyang ama at naghahanap ng papa si Tiff, madali na lang nilang mapalusustan iyon sa dalawang matanda.

"O-ya..nget!"

Lola sungit. "Shhhh, bad 'yun."

"O-ya..nget!" Sigaw lalo ni Tiff. Pinaghahampas ang tubig na may bula.

Binasa ni Olivia ang ulo niya, nilagyan ng shampoo. Kanda tili sa tuwa si Tiff nang makita ang bula sa ulo niya. Inipon niya ang bula at inilipat sa ulo ng kapatid, "Para tipid tayo sa shampoo." Tumayo siya ng bahagya para abutin ang sabon sa likod ni Tiff.

"Ya! A-pepe ka!" Kanda turo pa si Tiff sa body part na tinutukoy.

Hagalpak na si Olivia, "Oo, pareho tayo a-pepe. Wash mo na 'yan a-pepe mo tsaka 'wag mo papakita sa boys, kay Ate Ya lang tsaka kay Mama."

Nangunot ang noo ni Tiff, "A-Miki?"

"Mmmm, sige, pwede kay Mickey." Kay Tiff na si Mickey Mouse, inangkin na nito ang laruan. "Kaya lang, baka mamatay si Mickey, a-bantot a-pepe mo."

"A-patay." Sabi ni Tiff.

"Oo, a-patay Mickey pag di ka wash."

"Yoyo a-patay."

"Ha?"

"Yoyo a-patay."

"Si Lolo? Talaga? 'wag ka nga, bad 'yun, sumbong kita...knock on wood.." walang kahoy sa tabi nila. Sa planggana na lang siya kumatok, pagkatapos ay nagsabon na siya.

Nagbabanlaw siya nang kalampagin sila ni Ellen sa banyo, "Olivia! Olivia!"

Dali-dali siyang nagbalot ng tuwalya, "D'yan ka lang Tiff." Bilin niya sa kapatid. Baka sumunod at biglang madulas..binuksan niya ang pinto.

"Dadalhin namin ang Tatay sa ospital, nawalan ng malay, bahala ka muna kay Tiff." Iyon lang at kumaripas na si Ellen.

Time After TimeWhere stories live. Discover now