Untitled Part 66

1.2K 62 5
                                    


"Kumusta ka na?" Anito paghinto.

"O-Okay lang ako." Hindi siya makatingin sa dating kaklase.

"Condolence pala."

"Salamat."

"Uh, okay ka lang?" tanong nito.

"Rius...kasi..." Huminga siya ng malalim, "I'm so sorry about Corey."

"Yeah." Isinuksok nito sa magkabilang bulsa ang mga kamay.

"He was your friend...hindi ko alam kung paano hihingi ng tawad sa 'yo..n-nahihiya ako sa ginawa ko, Rius. I don't even know how to say sorry to him. Galit na galit siguro s'ya sa 'kin." And she had to live with that for the rest of her life.

"Bakit naman s'ya magagalit?" Sabi ni Rius. "You didn't kill him, Olivia."

"What?"

"Alam kong hindi mo gagawin 'yon."

"But I did."

Ganoon na lang ang iling ni Rius, "You didn't."

"Paano mo nasabi? You were there. You saw me with the knife--" tanda niyang nakatulala ito sa harap niya noon.

"I saw you running away pero kumidlat ng malakas, pagtingin ko, nasa harap na kita...kalong mo si Corey. Pero sigurado ako, I saw you running ..." Ito naman ang napabuntonghininga, "Kaya sorry. Wala akong naitulong sa 'yo noon. Hindi na nila kinonsider ang statement ko kasi nga, hindi ko rin ma-explain ng maayos ang nakita ko. Tsaka, malabo ang mata ko. Siguro daw, dahil sa astigmatism 'yung sinasabi ko, nadidistort ang mga image."

"We had a suicide pact." Aniya.

"Hindi totoo 'yun. Kilala natin pareho si Corey, hindi 'yun makakaisip ng ganun."

"I convinced him...and I killed him kasi ayaw n'yang ituloy."

"Hindi ganun, Olivia. Hindi ako naniniwala."

"Maniwala ka na ngayon. I wrote about it to Trini. I have that letter. Corey and I planned to do it on prom night. Hindi lang siguro talaga sinabi sa 'yo ni Corey kasi alam n'yang pipigilan mo s'ya."

"Ang alam ko, nagmamadali s'yang makarating sa school para masundo ka. May sorpresa s'ya sa 'yo. Nakontak n'ya si Trini at napapayag n'yang umuwi para magkita kayo. Dun sa bagong resort, sa Valencia. Dun kayo pupunta, hindi kayo magpapatiwakal."

"But I have the letter, Rius. It says everything. Ako mismo ang sumulat."

Rius paced, "Hindi, eh. Malabo ang mata ko, oo, pero hindi naman ako bulag. There were two of you. I saw two of you."

"What do you mean?"

"Dalawa ka, Olivia. 'Yun ang nakita ko. Ang isa, tumatakbo sa mga tao, ang isa, kasama ni Corey. Kahit nakatingin na ako sa inyo ni Corey, sa peripheral vision ko, nandun ka rin, tumatakbo."

"That's...impossible."

"I know, right? Pero kahit paano ko pa balikan 'yung nangyari, 'yun talaga ang nakita ko."

"Baka 'kala mo lang, Rius. Baka..kapareho ko ang style ng damit or buhok, halos parepareho naman kami ng hairstyle that time."

"Eksakto, eh. 'yung pink na may itim-itim sa palda."

"S-Sino 'yun? I know it wasn't me. Wala akong natatandaan na tumatakbo ako--"

"Kung sino man 'yun, I think she's the one who killed Corey. S'ya ang tumatakbo, eh. Magkapareho kayo ng damit."

"Ako ang nag-isip nung damit ko..wala 'yung katulad."

"Hanggang hindi ko kayang i-explain 'yung nakita ko, hindi ako maniniwalang pinatay mo si Corey, Olivia. Hindi ka ganun. Alam ko, hindi ka ganun."

Nangilid ang luha ni Olivia, "Sana nga 'no? Sana kaya ko rin paniwalaan 'yan, Rius."

Time After TimeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt