Untitled Part 69

1.1K 57 0
                                    


LAHAT nang tanungin ni Olivia tungkol sa pocketwatch, iisa ang sagot. Walang nakitang ganoon sa kanya noong dalhin siya sa ospital matapos siyang barilin ng pulis.

Baka raw nahulog noong isakay na siya sa sasakyan ng mga pulis..o kaya sa presinto..o kaya sa...iisa lang naman ang ibig sabihin. She lost the watch. She lost Corey's watch.

Mas naiiyak siya doon kaysa pagbaba sa kanyang lola sa hukay.

I'm so sorry, Corey. I'm so sorry...

They made a promise over that watch. They promised to love each other.

Always.

Time after time.

Please forgive me...

Namalayan na lang niya, naghahagis na ng mga bulaklak sa hukay ang mga nakipaglibing. Ihinagis na rin niya ang mga bulaklak na hawak niya. Sabay-sabay, isang hagis na lang.

Goodbye, Inay Doris.

May nakisiksik sa tabi niya.

"Sumalangit nawa ang kaluluwa mo, Doris." Sabi ni...

"Aling Belen!" Bulalas ni Olivia.

"Olivia.." Anito. "Wala na ang lola mo..wala nang magpapatahi sa akin, nabawasan na ang kostumer ko."

"Opo...uh, Aling Belen, tanda n'yo po 'yung damit na pinatahi ko? Para sa prom?"

"Ah, oo. Sus, hindi ko makakalimutan, sumakit ang ulo ko doon--"

"Pinakita n'yo po ba 'yun sa iba?"

"Ihinanger ko sa shop nung matapos. Aba'y marami ang natuwa, kaganda raw. May tumingin pa ngang taga dun din sa skul n'yo, gustong arkilahin para sa prom. Kako ay hindi puwede dahil doon rin gagamitin ng nagpagawa. Kuuu, inurirat nang maige."

Bumilis ang kaba ni Olivia, "Sino po 'yun?"

"Naku, hindi ko na matandaan ineng. Kaya ko lang naman alam na taga-Filomena ay dahil naka-uniform noon."

"Pag po nakita n'yo sa picture, makikilala n'yo?"

"Aba ineng, hindi ko masasabi. Mahina ako sa mga mukha. Bakit mo ba tinatanong?"

"Curious lang po ako. Wala po kayong natatandaan tungkol dun sa tumingin ng damit? Kahit ano?"

"May kwintas na puso ang palawit. Nakatungo sa damit, lumapat sa damit ang kwintas kaya tanda ko."

Time After TimeWhere stories live. Discover now