Untitled Part 23

1.4K 54 0
                                    


NAPASIGAW ang aleng may hawak na flashlight. "Susmaryosep! Ano'ng ...Bakit ka naririyan....naglalaro ba kayo?" Janitress ng school ang ale.

Hindi umimik si Marife. Balewala siyang lumabas ng maliit na silid at naglakad palayo.
Pumasok siya sa gym. Sinanay ang mga mata sa nagsasalimbayang ilaw. Iginala ang paningin. Nasa likod ng bleachers ang tent ng caterer. Doon siya nagpunta. May lalaki doon na nagtatadtad ng yelo.

"Ano gusto mo?" Tanong sa kanya.

"Pepsi." Sagot ni Marife. "Ahhmmm, pakidalhan daw sina Ma'am dun sa may stage. Apat sila." Lumalakas ang ulan, malalakas pa ang kidlat.

Itinusok ng lalaki ang kutsilyo sa malaking bloke ng yelo bago kumuha ng apat na softdrinks at mga straw. Iniwan na doon si Marife. And she saw him. Corey.

He was not allowed to be here. Marife decided to follow him.

Time After TimeWhere stories live. Discover now