Untitled Part 48

1.2K 58 2
                                    


PINATAY ANG MAMA MO DAHIL SA DAMIT NA SUOT KO." SAAD NI OLIVIA, NASA JEEP na sila pabalik sa poblacion. "Kung si Marife ang killer, bakit? Parang mas gumulo, Micky. Ano'ng meron sa damit para pumatay s'ya ng tao?"

"Ang hindi ko maintindihan, bakit dalawa ang damit? 'Yung suot mo at 'yung nasa mga gamit ni mama. Saan n'ya nakuha 'yon? Akala ko kay mama pero kung sa prom ginamit 'yon, hindi kanya kasi hindi naman s'ya nag-prom. Manganganak na s'ya nun, eh."

Natigilan si Olivia, may naisip siya, "Si Sir Rius...nandun s'ya nung napatay si Corey. I need to talk to him. Baka may iba pa s'yang natatandaan."

"Like what?"

"I don't know. Let's just talk to him."

"Gusto kong tingnan kung nasa mga gamit pa ni Mama 'yung picture. Malalaman natin sino talaga ang killer pag nakita ko 'yung picture." Sabi ni Micky. Kahit alam nitong delikado itong maaresto kapag umuwi sa bahay, mas importante pa ring makita nila ang class picture na sinasabi ng anak ni Aling Yolly.

"Paano kung wala dun ang picture?"

"Kaya nga titingnan ko. Marami pa 'kong hindi nakakalkal dun sa kahon, may mga photo albums, tingin ko malaki naman ang chance na nandun rin ang picture kasi nandun ang damit." Tumingin ito sa labas ng bintana, "Ang mabuti pa, mauna ka kina Ninong, kausapin mo na s'ya. Susunod ako dun, hahanapin ko lang ang picture. Just in case may mangyari, at least safe ka kina ninong."

"Natatakot ako, Micky."

Tinapik nito ang kamay niya, "Relax." Kumatok ito sa bubong ng jeep, "Tabi lang."

Time After TimeWhere stories live. Discover now