Untitled Part 17

1.5K 67 4
                                    


Idinilat ni Olivia ang mga mata nang maging aware na nakapikit pala siya. She wanted to see his face as they kissed. Gusto niyang makasigurado na si Corey ay katotohanan at hindi panaginip lamang.

His eyes were half-closed, his beautiful lashes fluttered. His nose looked so straight. Olivia had never felt so much love for anyone. Parang higit pa sa sarili ang pagmamahal niya kay Corey.

Bata pa raw sila. Madalas niyang marinig. Ang mga damdamin daw nila ay hindi panghabangbuhay. Nagbabago daw ang panahon. Lumilipas. Huwag raw magsasalita ng tapos, hindi nila alam ang mangyayari sa hinaharap.

Oo, napatunayan na niya iyon. Ang ina na akala niya ay lagi niyang kapiling, na inasahan niyang hindi mawawala sa buhay niya, nawala sa isang iglap. Nagbago ang buhay niya.

Pero paano niya ipaliliwanag ang nakikita at nararamdaman sa mga sandaling iyon? Kung ang panahon ay lumilipas at nagdudulot ng mga pagbabago, bakit ang pakiramdam niya ay hindi sila matitinag sa kinalalagyang sandali? Na umiikot ang mundo pero sila ni Corey ay nananatili sa isang sandali...she could even hear a clock ticking....tumatakbo ang oras...ang kasalukuyan ay naiiwan sa nakaraan pero nagbibigay daan sa hinaharap...sa bawat anyo ng panahon, naroroon si Corey at ang pagmamahal niya para dito.

Tick-tock....tick-tock....

Ramdam ni Olivia sa mga labi niya ang pagngiti ni Corey. Kumalas ito sa kanya, "Wait lang." May dinukot ito sa bulsa.

Pocket watch.

Iyon pala ang naririnig niya, "Antique 'yan." Sabi niya. Gold-plated, dati sigurong puti ang mukha pero naninilaw na ngayon. Itim na Roman numerals ang mga numero, may tatlong kamay, may gold chain.

"Oo. Sa lolo ko daw, bigay ni MacArthur."

"Ows? Di nga?"

Napa-HEHE si Corey, "Ewan. Nakuha daw ng lolo sa sundalong Amerikano na napatay. Tagal na ne'to, pero umaandar pa, o--" ipinasa nito kay Olivia ang relos.

Hindi na niya kailangang idikit sa teynga para marinig ang takbo ng mga segundo. Malakas iyon.

"De battery?"

"Hindi, sinususian--" pinihit ni Corey ang maliit na knob sa gilid ng relos, "Pipihitin mo lang nang pipihitin hanggang sagad na."

"Ba't nasa 'yo?"

"Para sikat." He grinned.

Olivia laughed. Basta sa pormahan talaga, hindi pahuhuli si Corey.

"Pakalat-kalat lang sa bahay. 'kala ko sira pero nagtaka ako, tumutunog. Mali lang pala ang oras. Pinakiramdaman ko kung titigil or what. Hindi naman tumitigil."

"Baka mahal na ito ngayon, itago mo."

"Itago mo."

"Ha?"

Kinuha nito ang dalawang kamay ni Olivia at ikinulong doon ang orasan, "Tanggapin mo ang simbolo ng pagmamahal kong hindi kukupas at mananatiling buhay---"

Hindi na mapigilan ni Olivia na matawa, "Corny mo."

Tatawa-tawa na rin si Corey na nagpatuloy, "Sa bawat araw, bawat oras, bawat minuto at bawat segundo.....sa lahat nang panahon, walang magbabago."

Natigilan si Olivia.

"Bakit?" Tanong ni Corey.

"Naramdaman mo---" anas niya.

"Ang habang panahon?"

They just stared at each other.

Then Corey pressed his forehead against hers, "Ingatan mo 'yan. Habang nasa 'yo 'yan, nasa 'yo ako."

"Hindi ko iwawala, promise."

"Mangako ka din na aatend ka sa prom. Malay mo, may surprise."

Olivia grinned, "I promise." She was so sure Corey was planning something. Bigla siyang naging excited ulit sa prom.

Time After TimeWhere stories live. Discover now