Untitled Part 3

2.1K 88 3
                                    


"Hello?" Sagot nito sa caller.

Sasabihin na sana ni Olivia na ibaba na ni Inay Doris ang telepono dahil para sa kanya ang tawag pero narinig niya ang 'hello' ng caller at hindi iyon si Trini.

Si Marife. Imbes na ibaba ang telepono, tinakpan ni Olivia ang mouthpiece para hindi marinig ang hinga niya.

"..si Marife po ito, 'nay."

"Ah, oo. Teka at nasa itaas si Olive--"

"Mmmm, may itatanong po sana ako sa inyo, 'nay. Tungkol po sa party mamaya, pinayagan n'yo po ba si Olive? Kasi po, papayagan lang po ako ng mama ko pag daw po kasama si Olive--"

"Ha? Party? Wala namang nababanggit si Olivia. Sino ang may pa-party?"

"Kaibigan po ng sister ng kaklase namin na si Trini--Trinidad Carlos."

"Carlos 'yung kaklase n'yo? Ano ng mga Carlos sa Ilaya?"

"Ahmm, kamag-anak po n'ya. 'yun pong Luningning ang mother n'ya ang alam ko."

"Si Luningning ay kapatid nung si Reynante na nakakulong ngayon dahil nanggahasa ng katulong. At itong Luningning ay napabalitang pumatol sa pari. Hindi ko alam kung totoo pero wala namang usok kung walang apoy. Hiwalay sa asawa 'yun, hindi ba?"

"Ha..opo yata po."

Inosenteng-inosente ang tono ni Marife, parang walang alam sa pang-iintriga samantalang iyon mismo ang ginagawa. Mahigpit na mahigpit ang hawak ni Olivia sa telepono. Kumukulo ang dugo niya kay Marife. Sinadya nito ang ginagawa. Alam nito na importante kina Inay Doris ang reputasyon, hindi ang mga ito makikihalubilo sa mga taong may bahid ng eskandalo ang pangalan.

At malaking eskandalo ang pagkakulong sa tiyuhin ni Trini. Pinag-usapan iyon sa buong bayan, salamat na rin sa asawa niyon mismo na nangunang magkalat ng tsismis dahil sa galit sa lalaking pumatol sa maid.

Oo, may relasyon talaga ang tito ni Trini sa maid ng mga iyon. Nang mabunyag, pinili ni Maid na isalba ang sarili. Pinalabas na ni-rape ito. Ayun. Si Trini ang nagkwento ng totoo kay Olivia.

Iyong tungkol sa pagpatol sa pari ng mama ni Trini, bago iyon sa pandinig ni Olivia. Tatanungin na lang niya si Trini pag nagkita sila...kung magkikita sila mamaya.

Dahil,

"Nasa Heathrow ang anak ko, ineng, eh. Kahirap ma-contact, siya ang magdedesisyon kung papayagan si Olvia o hindi. Hindi ko masisigurado. Kung makakausap niya ang kanyang daddy at papayagan siya, e di wala akong magagawa. Pero kung hindi, hindi na lang." Sabi ni Inay Doris. Iwas-pusoy, sa loob-loob ni Olivia. Hindi diretsong sinabi na hindi siya papayagan. Napaismid siya.

"Ah, sige po. Salamat po."

"Walang anuman. Salamat din, ineng."

Hinintay muna ni Olivia na maibaba ni Inay Doris ang telepono bago niya maingat na ibinaba ang extension.

Then the phone rang again.

She snatched the extension. Kung si Marife ulit, mumurahin talaga niya.

"Ibyang? Sino gumagamit nito? Busy. Nilalamok na 'ko dito sa phone booth."

Gumaan ang dibdib ni Olivia nang marinig ang boses ni Trini.

"Si Inay. At hulaan mo sino ang kausap?"

"May phone pal ang inay?"

"Oo! Si Marife. Malabo na 'kong payagan. Gusto ng Inay , kay Daddy na 'ko magpaalam. Para namang nasa Manila lang 'yon. Sinadya ni Marife na banggitin ang pangalan nung tito mong nakakulong--"

"Pahamak talaga 'yun."

"Si Marife, oo naman."

"Tange, si Tito Ante. Hilig magtanggal ng 'ante nang may 'ante, 'yan tuloy. Paano? Disco'ng disco na 'ko--"

"Ako rin!"

"Ano gagawin natin? Magpapanggap akong hindi si Trini. Tawagan ko lola mo, kunwari ako si Bernice, valedictorian 'yun, t'yak papayagan ka na."

"Tanga. Kilala ni inay ang nanay nun, baka tawagan."

"E, paano tayo?"

"Mmmm....basta, magkita tayo sa Mercury ng eight."

"Sure ka?"

"Oo."

"Sige, ha."

"Oo, ako pa? Sige na, babay na."

"Okay. Babuu!"

Time After TimeWhere stories live. Discover now