Untitled Part 96

986 53 3
                                    


IT'S A CEMENTERY!" Bulalas ni Micky nang pahintuin siya ni Olivia sa tabi ng gate, "Are you telling me...does it mean...si Ate Tri?"

"Kaya bigla s'yang hindi na bumalik sa 'yo noon, Micky. Hindi ko alam kung alam ng parents mo at hindi lang sinabi sa 'yo dahil ayaw nilang magdamdam ka. Or hindi rin talaga nila nalaman."

He groaned, "Ate Tri...ano'ng kinamatay n'ya? May sakit ba s'ya? Naaksidente ba s'ya?" Kahit napakatagal na kung tutuusin, naririnig pa niya ang tunog ng tawa ni Ate Tri. But not just her laughter. He could also hear her soothing words, her gentle singing when she was comforting him, rocking him in her thin arms, letting him cry. Mabuti daw iyon sa puso, huwag na huwag raw siya magkikimkim ng galit.

'Sisirain ka ng mga galit na 'yun, Micky, hanggang...hindi mo na mabubuo ang sarili mo. Pira-piraso ka na lang.'

"Pinatay rin s'ya ni Marife." Sagot ni Olivia, nanguna itong i-navigate ang daan sa pagitan ng mga nitso. "It's the reason that bitch is rotting in jail." Huminto ito at humarap sa kanya, "I saw Justice in that courtroom. May piring s'ya. Kaya hindi n'ya nakita na wala akong kasalanan. Hindi rin n'ya nakikita na si Marife ang may kasalanan lahat. Ganun ang hustisya. Noon ko naintindihan. I decided to be a lawyer to make Justice see the truth kahit gaano kapangit 'yun." Then she resumed walking.

Even the way she walked seemed so familiar. Everything about her was familiar. She was like an old song one always returns to. Isang paboritong kanta na hinding-hindi na makakalimutan ang mga letra.

Time after time....

Umakyat sila sa malapad na hagdang bato, pumasok sa isang giba nang kapilya, lumabas sa likod niyon, made a series of turns and finally she stopped.

Ilang yarda buhat sa kinaroroonan nila, may mga kalalakihang nakapalibot sa isang puntod. Mukhang, "Naghuhukay ba sila?"

"No!" At tumakbo na si Olivia palapit sa mga iyon, "What are you doing? Stop!" Mukhang kilala nito ang isa sa mga lalaki, tinawag iyon, "Ricky! Ano ito?" A short, stocky guy turned.

Pero iyong pinakamatanda sa grupo ang humiwalay at sumalubong sa kanila, "Olivia--"

"Ano ito, Tito Ante? Bakit nila hinuhukay....si Trini?"

Time After TimeWhere stories live. Discover now