Untitled Part 49

1.3K 60 0
                                    


AGITATED si Sir Rius. Nininerbiyos, excited. Pansin rin ni Olivia na hindi pa ito nagpapalit ng damit mula nang huli niyang makita. Namumula ang mga mata habang nangingitim naman ang ilalim ng mga iyon. May matitigas na itong stubbles sa mukha at sa ulo.

"I think I did it. It works." Bulong nito habang papunta sila sa likod ng bahay. Sa hallway pa lang ay dinig na ni Olivia ang ingay ng makina, parang dambuhalang generator ang umaandar. Namalayan na lang niya na pawisan na siya. Mainit ang hangin.

Tumambad sa kanya ang reactor sa likod ng jeep. Nagba-vibrate.

"I've fixed the plasma torch, it's really hot in here. The heat breaks down the molecules of plastic--"

"Sinusunog?" Umatras si Olivia hanggang malapit na siya sa pader para makaiwas sa init.

"Hindi. Nakita mo, walang usok. Walang oxidation. But if that energy powers up the jeep's engine which I modified, it can go more than eight miles per hour and that pole there sucks up lightning energy--"

"Pero wala namang kidlat."

"Meron 'yan. Lagi namang kumikidlat, hindi lang natin napapansin...about a hundred strikes per second. That's how common they are." Humarap ito kay Olivia, "I can send you back. I did the math, kung ano'ng speed at energy ang kailangan mo para makabalik ka sa 1988."

Nilinga ni Olivia ang machine at jeep, napangiwi siya.

"It's scary, I know." Sabi ni Sir Rius. "Pero...kailangan mong subukan." The man's eyes were wild and pleading. "Kailangan mo ang mga sagot. Naroroon lang ang mga sagot, Olivia."

May tumawag sa kanya.

"Olivia!"

Napatingin sila sa backdoor, iniluwa niyon si Micky, humahangos, "Nakita ko! Nakita ko!" Pero napahinto ito malapit sa jeep, namangha, "Whoa, ang init dito at--" iginala nito ang paningin sa paligid, tumingala pa.

Naiintindihan ni Olivia ang reaction ni Micky. Ganoon rin ang reaction niya. Bukod sa mainit doon, may kakaibang kulay ang paligid. Parang kulay ng takipsilim pero hindi natatanaw, parang nababalot talaga sila ng ganoong kulay at may hatid iyong kakaibang pakiramdam sa mga balat nila.

"It's working." Sabi ni Sir Rius, lumapit kay Micky, nagsimulang magpaliwanag.

Lumapit rin si Olivia sa dalawa. Make-carried away si Sir Rius sa pagpapaliwanag, mas kailangan niyang malaman ang totoo, "Nasaan ang picture?" Sabi niya kay Micky.

"Ito." May iniabot itong brown envelop sa kanya.

Parang nakuryente si Olivia nang hawakan ang envelop. Kaya ba niyang buksan?

"Tingnan mo." Sabi ni Micky.

Nanginginig ang kamay, binuksan niya ang flap ng envelop. Dudukutin na sana niya ang picture nang may dumagsang kalalakihan sa pintuan. Ang iba ay naka-uniporme.

Mga pulis.

"Micky---" anas ni Olivia. Automatic siyang napahawak kay Micky para protektahan ito.

Pero iba ang ikinagulat ni Micky, "P-Papa?"

"Lumayo ka sa kanya, Micky." Sabi ng isa sa mga lalaking dumating. Slim, salt and pepper ang buhok.

"Kay Olivia?" sabi ni Micky. Takang-taka. Imbes na lumayo, lumipat ito sa unahan ni Olivia para sanggahan ang babae.

Iyong kasamang lalaki ng papa ni Mick yang nagsalita. Galit, "Pinatay ng babaing 'yan ang anak ko! Matagal na namin s'yang pinapahanap." Sabi ng lalaki.

"Pero ---" hindi malaman ni Micky kung saan susuling.

Tumingin sa isang pulis ang papa ni Micky. Nagtanguan ang mga ito. Nagsalita ang isang pulis, "Olivia Teves, sumama ka ng mahinahon sa amin--"

Napasigaw si Olivia, "Nooo! No! No! Corey!!!" She was seeing his face now. Looking up at her although he could barely open his eyes, "Corey!" Iyak pa niya.

"Hindi! 'wag!" Nakikipag-agawan sa diwa ni Olivia ang sigaw na iyon, "Hindi ako papayag!"

Time After TimeWhere stories live. Discover now