Untitled Part 92

1K 50 0
                                    


HEY! HEY!"

Nilinga ni Olivia si Micky Tuazon, nasa pinto na siya ng unit niya, "What?"

"Umaga na. Let's have coffee? May Starbucks sa 'baba."

"May kape rin ako." Binuksan niya ang pinto, "Get inside."

"Thanks."

Deretso sila sa dining area. Pinaupo niya ito at nagtimpla ng three-in-one coffee mix. Damn kung papakahirap pa siyang gumawa ng brewed coffee. Hindi naman siya millennial yuppie na masyadong OA sa mga kape.

"Parang kilala na talaga kita." Sabi ni Micky nang ibaba ni Olivia ang coffee mug sa harap nito, "At akalain mo, kilala mo ang yaya ko dati. Taga Tres Cruces ka rin."

"Oo, pero bihira lang ako umuwi."

"Nagkikita pa kayo ni Ate Fe? Say hi for me."

"Hindi na, eh."

"May asawa na siguro 'yon...ang natatandaan kong sinasabi n'ya lagi, mag-aasawa s'ya ng piloto."

"Talaga?" Umigkas ang kilay ni Olivia. Yeah, Marife had designs for her father those days. Siguro para makaahon sa kahirapan. Humigop siya ng kape at, "Were you...fond of her as a child?"

"Okay lang...mas tanda ko kasi 'yung kapalit n'ya. Kasi siguro, mas matanda na 'ko at hindi na sakitin that time. Si Ate Tri. Trini."

Nabitiwan ni Olivia ang mug niya.

"Are you okay?" Naghagilap ng paper towels si Micky. Ito ang dumampot ng mga basag na piraso.

"Trini...yaya mo rin si Trini?"

He looked up from the floor, "Kilala mo rin?"

Time After TimeWhere stories live. Discover now