Untitled Part 2

2.7K 79 5
                                    


MALIIT NA BABAE LANG SI INAY DORIS, HANGGANG KILI-KILI LANG NG TATAY PRIMO. Payat at hukot na rin ang likod nito kaya frail kung tingnan. Hindi alam ni Olivia ang eksaktong edad ng kanyang lola at lolo. Basta nasa sixties. Dating empleyado sa post office si Inay Doris, hindi rin alam ni Olivia kung ano ang katungkulan. Taga-dila daw ng stamp, biro lagi ni Tatay Primo na dati namang city veterinarian.

Tatlo lang ang anak ng mag-asawa, nabugok na raw ang mga sumunod dahil nagkaroon ng hyperthyroidism si Inay Doris. Ang panganay ay si Auntie Ofel, nurse sa US. Mahigit ten years na doon pero dalaga pa. Ang bunso, si Tito Ferds, namana ang hilig ng ama sa mga hayop, pero hindi nag-beterinaryo. Animal Husbandry ang kinuhang kurso, farm supervisor ngayon ng Purefoods Corporation. Ang kanyang daddy ang panggitna at literal na pinakamataas ang ambisyon. Bata pa raw iyon, bukambibig na ang 'I want to be a pilot when I grow up.'

Nakapasa namang cadet doon sa Fernando Air Base sa Batangas at nang makatapos , nagsilbi sa bayan nang may sampung taon. Hindi naman daw nabaril ag eroplano niyon na tagadala ng supplies ng mga sundalong nakikipaglaban sa mga insurgents sa Mindanao kaya intact pa rin ang daddy niya nang iwan ang serbisyo at lumipat sa mas lucrative na trabaho, that of a commercial pilot. International na ang mga flights ng kanyang daddy ngayon.

Inay Doris and Tatay Primo couldn't be so proud. Successful sa kanya-kanyang larangan ang tatlong anak ng mga ito. Huwaran raw ang mag-asawa na mula noon hanggang ngayon ay magkasama pa ring nagsisimba tuwing Linggo.

Totoo naman na kapuri-puri ang dalawa. Proud rin si Olivia sa mga ito. Just that, for some reason, aloof siya sa kanyang lolo at lola. Mabait naman si Inay, maasikaso. At si Tatay, palabiro. Still, she could not even hold a conversation with them. Parang...wala naman siyang sasabihin o ikukuwento talaga sa mga ito. Kapag nasa bahay, nagkukulong lang siya sa kwarto. Natatakot siya minsan na baka hindi niya mahal ang kanyang lolo at lola.

Parang wala silang koneksyon o bond na matatawag. Dahil siguro hindi naman niya kasama ang mga ito noong maliit pa siya at mabibilang sa isang kamay ang pagkakataon na dinalaw nila ang mga ito at dumalaw ang mga ito sa kanila noon. Dahil rin siguro sa reputasyon mismo ng mga ito. Kagalang-galang, kapuri-puri . Respetado ng baranggay, sabi nga ni Trini.

Pakiramdam ni Olivia, lahat nang mga kamag=anak nila, kaibigan, kakilala maging mga kapitbahay, nag-e-expect ng mataas sa kanya bilang apo nina Doris at Primo. Parang hindi siya puwedeng magkamali. Worse, everyone simply assumed that she was a Good Girl.

She was not. She wasn't that perfect, God-fearing, loving, prim and proper girl. Kumpara sa ibang kabataan na pariwara, siguro nga, matino siyang masasabi. Nag-aaral siya sa abot ng makakaya, hindi siya ginagabi sa kalye, hindi siya sumasagot ng pabalang sa nakatatanda....

Hindi ang mga iyon ang gusto niyang gawin. Hindi iyon ang gusto niyang maging.

I want to yell like a rebel.

I want to dance with myself.

I want some kind of wonderful hair cut.

I want to fly to danger zone.

Smokey eyes, frosted lips, torn jeans, dirty sneakers.

This girl just wanna have fun.

Luluhod siya kina Inay Doris kung kinakailangan, payagan lang siyang umatend ng party. Noong nasa Manila pa siya, naranasan na niyang mag-disco at manood ng rock concert kasama ang mga kaklase. She had a great time. Hindi iyon alam ng kanyang ama hanggang ngayon. Kinasabwat niya ang yaya na huwag magsusumbong.

Hindi alam ng kanyang daddy pero kinukutuban siguro iyon na kinukunsinti siya ni Ate Ellen kaya biglang nagdesisyon na dito na lang muna siya sa probinsya. Ang nangyayari, dinadalaw na lang siya ng kanyang daddy twice a month. Hindi nga niya inasahang papaunlakan niyon ang imbitasyon ng school na magsalita tungkol sa mga career.

Sa townhouse pa rin nila sa Manila umuuwi ang kanyang ama kapag walang lipad. Pati si Ate Ellen, naroroon pa. Gustong-gusto niyang bumalik doon. She missed her nanny so much. Pero ngayon, hindi na masyado. She was enjoying her friendship with Trini.

Tumingin siya sa suot na Swatch. Tatawag raw si Trini bago ito pumunta sa kanila para tulungan siyang magpaalam. Kaya nakaabang siya sa extension ng telepono doon sa maliit na salas sa itaas. Alas-sais na ng gabi.

Six minutes later, tumunog ang telepono sa ibaba. Dinampot niya ang extension.

Napangiwi. Naunahan siya ni Inay Doris.

Time After TimeWhere stories live. Discover now