Untitled Part 79

1.8K 60 10
                                    


HINDI NANGYARI ANG INAASAHAN NI TRINI. ALIN LANG SA DALAWA, HINDI PALA talaga tsismosa si Aling Yolly o ipinagkalat rin nito ang mga sinabi nila pero hindi nakarating kay Marife. Either way, it didn't matter. Si Marife na yata ang pinaka walang konsensyang tao na nakilala nila. The bitch had nerves of steel.

"Smooth criminal." Sabi ni Trini. "Hindi man lang nag-react sa telegrama."

Una, tinawagan nila ang number nina Marife sa bahay na nakuha nila sa directory. But the number they were calling was no longer in service. Wala naman silang maisip na paraan para malaman ang number ng boarding house ni Marife. Ni hindi nila alam kung saan ito nakatira sa Maynila.

Ang alam lang nila, sa FEU ito nag-aaral pero kahit malapit lang iyon sa UE, hindi naman iyon lang ang universities sa U-Belt, malabo pa sa sabaw ng pusit na ma-encuentro nila si Marife.

Pero determinado sila na i-provoke si Marife, pinadalhan na lang nila ng telegram:

YOU. stop. KILLER. stop.

At phone number nina Olivia sa bahay.

Last week pa iyon. Hindi tinatawagan ni Marife ang numero. Parang imposible namang hindi natanggap dahil ang alam rin ni Olivia, umuuwi sa Tres Cruces si Marife every weekend.

"At least, natanggap n'ya. Alam na n'ya na may nakakaalam. At speaking---" kinuha ni Olivia sa bag ang brown envelop, "Since para sa 'yo naman 'yan--" Ibinigay niya iyon kay Trini, ""yan 'yung mga sulat ko sa 'yo noon na hindi nakarating. Mga bukas na kasi...binasa na nila Inay noon." And who knew kung sino pa ang mga nakabasa.

"H-Hindi ko sure kung gusto ko pang basahin, Ibyang."

Naiintindihan iyon ni Olivia. She wrote those letters when Trini was still pregnant and looking forward to giving birth.

"Hindi naman kailangang ngayon na." Sabi niya. "Ang importante nasa 'yo na. Pag ready ka nang harapin 'yung grief mo--"

"Hindi naman nawawala sa harap ko 'yun,eh. Nasa likod rin, nasa tagiliran, nasa..loob."

Hindi na alam ni Olivia ang isasagot. Ano pa ba talaga ang puwede niyang sabihin sa kagaya ni Trini?

Kahit irregular at may mga subject pa rin napang-first year si Trini, hindi sila naging magkaklase maski sa isang subject man lang. Hindi rin magkatugma ang vacant periods nila. Pero lagi pa rin silang nagkkikita at nagkakasama in and outside the campus.

Dahil walang kiyemeng umabsent si Trini. Hindi naman nito itinatanggi na hindi ito interesado sa pag-aaral. It was something Olivia wanted to change. Gusto niya na kahit paano ay magkaroon si Trini ng pangarap o plano man lang para sa future. Hindi niya alam kung paano dahil siya mismo, hindi sigurado kung ano ang pangarap niya.

Dalawang linggo pa lang siyang pumapasok, duda na siya kung iyon nga ba ang gusto niyang kurso. Hindi niya masabi kay Ate Ellen dahil sasabihin niyon sa daddy niya at...lagot siya. Nagsasayang siya ng pera.

But being in college itself, she liked. It was overwhelming at first but she soon found it liberating. Siguro, dahil na rin sa bagay na walang nakakakilala sa kanya doon. Walang nakakaalam sa pinagdaanan niya. Masasabi talaga niya na bagong simula iyon.

Trini didn't see it that way. Despite being funny, gregarious, talkative, Olivia could not shake the feeling that Trini was just passing through. Like a traveler who was just on a lay over. Someone who wouldn't stay.

Time After TimeWhere stories live. Discover now