Untitled Part 50

1.5K 68 6
                                    


Naramdaman na lang ni Olivia na isinalya siya ng malakas na bisig padapa sa semento.

Pagkatapos niyon ay sumambulat ang nakasisilaw na liwanag pero wala siyang narinig na anumang tunog.

Nang maglaho ang matingkad na liwanag, naging madilim na madilim ang paligid, pero gumapang siya kay Corey.

"Corey..no, no, no...Corey-- please...talk to me--" kinandong niya ang ulo nito.

"O...livia..." bulong nito, "...forever....in time...." May sinasabi pa ito pero gurgling sounds na lang ang naririnig niya.

"Corey--" she kept on sobbing, "Don't die, please--"

Narinig niya ang boses ni Rius, tinatawag si Corey at kasama nito ang guard.

"Rius, tulong---" iyak ni Olivia, "Si Corey--"

Pero natigilan si Rius, parang nagtataka.

At parang isang iglap lang, dumami ang mga tao sa paligid ni Olivia. Mga kaklase niya, mga guro.

May humila sa kanya patayo.

May bumuhat kay Corey.

"Corey..." she just sobbed.

Time After TimeWhere stories live. Discover now