Untitled Part 37

1.4K 59 3
                                    


NINONG--"

Sumenyas ng 'sandali' ang ninong niya at nagpaalam sa kausap sa cell phone, "Tatawag uli ako mamaya. Salamat, pare. Pasensya na rin sa abala." Ipinatong nito sa workshop table ang cell phone, hinarap si Micky, "Ano'ng ginawa mo?"

"Hindi ko naman sinadyang sunugin, Ninong." Sagot niya.

"Micky, paano kung may napahamak? Gusto mo bang makulong?"

"Sinabi mo na ba sa mga pulis?"

"Hindi ko na kailangang sabihin, Micky. Malalaman na rin nila. Sinilip ko ang nangyari kaninang umaga. Nandoon pa ang mga bumbero at mga pulis, iniimbestigahan nila ang sanhi. May nakita silang kwintas--"

"Aw, shit." Kinapa agad ni Mitch ang leeg. Wala siyang suot na kwintas.

"Shit talaga. Malagkit na malagkit na shit. It's just a matter of time, Micky. Malalaman at malalaman nila kung kanino ang kwintas na 'yon." Naupo sa bench na kahoy ang ninong niya, "Hindi ko alam kung paano ito, Micky. Kahit pagalitan kita, kahit mamatay ako kasesermon sa 'yo, walang magbabago, eh. Nangyari na. Ginawa mo na.

"Ang mahirap tanggapin, responsibiidad kita. Ako ang pangalawa mong ama. Nangako ako sa mama mo na gagabay sa 'yo. Pero kung ikaw mismo ang sisira sa kinabukasan mo--"

Tingin ni Micky ay tumanda ng sampung taon ang kanyang ninong. Parang sa isang iglap, dumami ang putting buhok. Noong huli silang magkita, mangilan-ngilan lang iyon. Nasa lahi daw talaga ng mga ito ang maagang pagputi ng buhok, pero ngayon...

"Wag mong sisihin ang sarili mo, Ninong. Desisyon ko 'yun." Sabi niya.

"Paano ka nga?" Hinampas nito ang dalawang kamay ang mesa. "Ano'ng mangyayari sa 'yo kung idedemanda ka ng school, Micky? Naiisip mo ba 'yon?"

Hindi siya makasagot. Sa unang pagkakataon simula kahapon, naisip niya ang kalabisan ng ginawa. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang takot. Ayaw niyang makulong kahit sa hindi totoong kulungan. Doon daw sa youth center dinadala ang mga juvenile.

Tumahimik rin si Ninong Rius. Nag-iisip. Pareho silang napatunganga muna sa cell phone nito bago ma-realize na tumutunog iyon.

"Pare?" Sagot ng ninong niya sa caller. Nakinig ito. "Salamat, pare. Salamat." Na-excite ang anyo nito. "Sige, sige, on the way na ako." Tumayo ito at ibinulsa ang cell phone, "Dito ka muna sa shop, Micky. Mag-uusap pa tayo magbalik ko, kukunin ko lang ang jeep--"

"Jeep?"

"'Yung bigla na lang lumitaw sa basketball court kagabi. Walang nakakita kung dumaan 'yon sa gate o ano. Walang pumapansin kagabi dahil sa sunog sila lahat nakatutok. Kanina, nagtataka sila kung kanino ang jeep na 'yon.

"Tiningnan ko kanina, ayaw nilang ibigay sa 'kin, obviously. Kaya tinawagan ko ang may-ari kung pwede nilang i-claim. Ang problema kasi sa jeep na 'yon, wala namang rehistro dahil panahon pa ng gera. Pero may mga lumang pictures naman sila na kasama ang jeep na 'yon."

"Kanino 'yung jeep, Ninong?"

Bumuntonghininga ang ninong niya, "Sa mga Manson."

"Manson...as in..." Itinuro ni Micky ang sarili.

"Kapatid ng papa mo ang kausap ko." Tango ni Ninong Rius. "Ipinahiram sa akin ng pamangkin nila noon ang jeep. Kaibigan ko si Corey."

"Corey...'yun rin ang tinatawag ni Olivia kagabi bago s'ya nag-collapse, tapos nung magkamalay, wala nang maalala."

Napatigil si Ninong Rius, "Sigurado ka? Binanggit ni Olivia si Corey?"

"Sigurado ako kasi...nagtataka ako, Ninong. Alam ko kaagad na hindi Cory as in Aquino ang pangalang 'yun. Alam ko ang spelling. Alam ko na lalaki 'yun."

Nangunot ang noo ni Ninong Rius, "Hindi mo na ba naaalala? Pamilyar ka sa pangalang 'yon dahil nung maliit ka pa, lagi mong sinasabi na Corey ang pangalan mo. Nagkakatinginan na lang kami ng mama mo. Wala na si Corey eh. Namatay s'ya nung gabi rin na nawala si Olivia."

Napanganga muna si Micky bago nasabi ang nasa isip, "Sinasapian ako nung Corey noon?"

"Hidni naman ako naniniwala sa mga sapi na 'yan. Tsaka, tumigil ka naman sa pagsasabing si Corey ka eventually. Kutob namin ng mama mo noon, naririnig mo lang kami pag nagkukuwentuhan tungkol kay Corey. Nami-miss namin s'ya, nanghihinayang kami...kaya siguro naisip mo, gusto mong maging si Corey. Narinig mo sa amin na mabait s'ya, totong kaibigan, masayahin..."

Siguro nga, sa loob-loob ni Micky. Saka na niya iisipin ang iba pang bagay na bumabagabag sa kanya.

"Ninong, possible nga kayang si Olivia 'yung kaibigan n'yong nawala noon?" Sinabi niya na nagpunta sila ni Olivia sa bahay ng mga ito at tinanggap ng ama ang babae. Dinala sa ospital, doon daw muna magpapalipas ng gabi.

"Wala akong maisip na ibang eksplanasyon kung sino s'ya. At kasabay n'yang lumitaw ang jeep at reactor na ginawa ko noon. Nawala rin 'yun, ni anino hindi namin makita. Ang inisip na lang ng lahat, pinaandar ni Olivia at siguro daw, nahulog sa bangin, lumubog na sa dagat."

"Pero biglang...nandito na...Ninong, nag-time travel si Olivia?"

"Kaya gusto kong makita ang jeep. I need to know what went wrong that night."

"Naka-imbento ka ng time machine, Ninong."

"Imposible." Bulong nito at lumabas na.

Pero imposible nga ba? Paano pa nila ipaliliwanag ang biglang pagsulpot ni Olivia at ng jeep na iyon?

Iginala ni Micky ang paningin sa buong workshop. Nasa likod iyon ng bahay ng ninong niya. Puno iyon ng mga parts ng computer, sasakyan at kung anu-ano pang appliance. Mahilig magbutingting ang ninong Rius niya, ma-uwido sa makina at computer, baka nga nakagawa ng time machine?

Napamata siya sa binaklas na CPU sa ibabaw ng mesa.

Kung totoong nakagawa ng time machine ang ninong niya, iyon ang pag-asa niya para hindi mahuli ng mga pulis at makulong.

Pero...

Natutop niya ang noo.

Parang imposible naman, eh.

Time After TimeWhere stories live. Discover now