Untitled Part 21

1.4K 53 3
                                    


LATE NA siya. Nagsisimula na siguro ang prom pero walang dumadating na sundo. Bakit? Tiniyak naman niya kay Inay Doris na nasabi ng matanda sa anak na sasabay siya kay Olivia papunta sa prom.

"Mga putanginang mga 'yan...ginaganito nila ako...mga hayup sila..."

Papa ni Marife ang bumubulong na iyon. Nasa wheelchait ito, nakahukot doon, halos nakalapat na sa dibdib ang baba. Half-asleep, half-awake but comepletely drunk.

Awang-awa siya sa ama. Bata pa siya nang malumpo ito sa isang aksidente. Simula noon, hindi na bumalik sa dati ang masaya nilang pamilya at masaganang pamumuhay. Lagi na lang lasing at umiiyak ang kanyang papa. Wala namang magawa ang kanyang mama.

"Akala ko ba may sundo ka?" Sabi ng kanyang mama, isinudlong ang wheelchair ng asawa palapit sa sofa. "Ano'ng oras na? Hindi na darating 'yun, nagpapaniwala ka kasi sa pamilyang 'yun. Nakikipagmabutihan ka pa."

I'm doing this for us.

Inayos ni Marife ang lumang trench coat, tiniyak na saradong-sarado iyon.

"Magtatraysikel na lang ako." How ridiculous was that? Fully made up siya, naka-high heels pa...

Magbabayad ka Olivia.

Sigurado siya na si Olivia ang pumigil sa daddy nito na daanan siya. Marife had never hated anyone as much as she hated Olivia. Mula pa sa umpisa. Suklam na suklam na siya kay Olivia Teves.

Time After TimeWhere stories live. Discover now