Untitled Part 101

1.3K 60 7
                                    


SA OSPITAL NA PINUNTAHAN NI OLIVIA SI MARIFE. MAY SAKIT ITO. BREAST CANCER. Payat na payat na. Marife looked as old as her mother. Pero nakaupo ito sa kama pagpasok niya ng silid.

"Patawarin mo 'ko, Marife." She really hoped the woman would find it in her heart to forgive her. "I knew something was off at the crime scene, hindi ako nagsalita." Dahil galit na galit siya kay Marife.

"Bagkus naging lawyer ka pa. Paano ka nakakatulog?" Halos bumubulong na lang si Marife, hirap huminga. She also got some sort of lung infection, among other things. Nasa charity ward ng ospital sa Tres Cruces. Marife was released last week.

"Alam kong hindi sapat ang sorry. Kinabukasan mo ang ninakaw ko. Namin."

Marife had a coughing fit. Nang tumigil ito, basa ng luha ang mga mata. Kung dahil lamang iyon sa pag-ubo, hindi mahalaga. In that brief instant, Olivia saw her own hell. Sa naninilaw na mga mata ni Marife, sa hungkag nitong pisngi, sa walang kulay na mga labi, tuyot na balat...nakita ni Olivia kung ano siya, kung ano ang ayaw ipakita sa kanya ng mga salamin.

"I'm so sorry--" she sobbed. Para siyang humihingi ng tawad sa sarili at hindi niya alam kung paano magpatawad.

"Gusto ko lang makita ang reaction mo once makita mo..." Sabi ni Marife. ",,ang damit ko. Gusto kong makita kung paano ka madismaya. T'yak na matatawa ako, eh. Bibiruin pa tayo t'yak ng daddy mo, naniniwala s'yang magkaibigan tayo.

"Pero nasira ang plano ko, hindi n'yo ako sinundo. Mukha akong tanga, nagtraysikel papuntang prom. I hated you before...dahil nasa 'yo lahat ang wala sa akin. Your dad was so handsome, dignified...successful..rich. Ganun rin ang papa ko noon." Bumuntonghininga ito, "Pero nung prom night, I hated you more than ever. I took that knife...sisirain ko ang damit mo pag nagkita tayo." Tumingin ito ng deretso kay Olivia, "But he saw me....he must have seen you first and knew we're wearing the same dress. Tumawa s'ya. Pinagtawanan ako ni Corey. I snapped and stabbed him."

Tumakbo ito at nahagip ng peripheral vision ni Rius. Corey's death wasn't planned or premedidated, gaya ng akala nina Olivia at Trini..gaya ng akala ng hukuman noon.

"Pinagbayaran ko na 'yun sa kulungan. Hindi si Attorney Ricky ang unang nag-alok ng tulong sa 'kin. Malaki ang pag-asa kong lumaya noon pa. Hindi ko tinanggap. Ngayon lang. Ngayon lang na sa palagay ko ay napagbayaran ko na ang totoo kong kasalanan.

"My youth was spent hating you and your family. Ikaw rin. Nagpakain tayo sa galit. Sa galit napunta ang mga panahon." Sabi nito, resigned. "Sobrang galit. Sobrang inggit. Galit. 'yun ang numakaw ng lahat, Olivia. Gusto ko pa ring magalit. Masarap magalit. Isusumpa kita? Para ano? Mamatay rin ako habang ikaw, ayan, buhay, successful....nasa 'yo pa rin ang lahat. Ako pa rin ang talo."

Kinuha ni Olivia ang ihinanda niyang tseke at ibinigay iyon kay Marife, "Hindi 'yan kabayaran, Marife. Maniwala ka na gusto kong tumulong. Pauna pa lang 'yan. Nakausap ko ang duktor mo, that amount would cover your initial treatment. I will also take care of the next. And the next. I don't care how long it takes. Tanggapin mo, please." Her tears fell, "I'm really sorry for what I did..for what I did not do."

"Ayoko nang umasa." Sabi ni Marife.

"Masarap magalit, di ba? Lumaban ka pa. Ayaw mo bang gumaling para kagalitan ako? Para gantihan ako?"

Marife smiled her usual smile...iyong parang may iniisip na hindi maganda, "Hindi ka ba natatakot sa maari kong gawin sa 'yo kung gagaling ako?"

Olivia grinned and sobbed, "Hihintayin ko 'yun, Marife. Hihintayin ko. Magpagaling ka, please..."

Time After TimeWhere stories live. Discover now