Untitled Part 29

1.4K 66 1
                                    


PUTCHA--" Para silang sumasayaw ng Tango ng babae. Bigla itong hinimatay, mabuti na lang at nakaalalay ang kamay ni Micky sa likod nito.

Kaya nakaliyad ito habang nakayuko siya dito.

Gusto na niyang bitawan at iwan doon ang babae. May makakakita naman tiyak, iyon na lang ang maghatid...kaso, kawawa.

Pinagmasdan niya ang mukha ng babae.

And he knew , he could not leave her.

Olivia.

Bakit masarap sambitin ang pangalan nito? At ang mga labi....hindi niya maalis-alis ang titig sa bibig nito.

Narinig niya ang sirena ng bumbero.

Bumuwelo siya at binuhat na ang babae papunta sa Volks ni Tito Ante. Pinayagan siya ng tiyuhin na gamitin ang sasakyan dahil, hello? Prom Night. Inihiga niya sa backseat ang babae.

Si Olivia.

Beautiful name. Beautiful Girl.

Nilinga niya ang school bago buhayin ang makina ng Volks. Nagliliyab pa rin ang loob ng registrar's office. "Shit!" Hindi naman niya planong sunugin ang school, gusto lang niyang magpaputok. Baka may nakabukas na bintana sa opisina, may nakalipad na paputok sa loob...."Shit talaga."

Umungol ang babae sa likod, "Mc...Donald's...."

"Gusto mong McDo?" Tanong niya.

Hindi ito sumagot.

"Okay, malakas ka sa 'kin, eh." Nang matapatan nila ang fast food resto, tumuloy siya sa drive-thru.

Napabalikwas sa backseat ang babae.

Napamulagat sa standie Ronald McDonald na kumakaway.

Nagtitili.

Hysterical na tili.

Gulantang si Micky.

Takot kay McDo o sa mga clown?

Patuloy sa pag-atungal ang babae, "Noooo! Hindi ko maintindihan! Hindi ko maintindihan!" Inuuntog nito ang ulo sa sa upuan.

Inatras lang ni Micky nang bahagya ang Volks at pinaharurot na niya palayo. Baka akalain pa ng makakakita ay rereypin niya ang babae. Bakit ba ito nagwawala?

"Miss, kalma lang, kalma lang--"

Time After TimeWhere stories live. Discover now