Untitled Part 34

1.5K 73 8
                                    


KASI Tito, ganito 'yun--" binitawan ni Mick yang kkutsara at tinidor. Susubo na sana ito ng pagkain, biglang tinanong ni Tito Ante kung ito nga sumunog sa registrar's ng school.

Hindi ito ginising ng tiyuhin. Hinintay itong magising at nang kumakain na ng brunch saka tinanong.

"Ako 'yung laging nao-office." Patuloy pa ni Micky, "Ako daw 'yung pinakamatigas ang ulo. Natural, ako pagbibintangan nila."

"So, hindi ikaw?" Sabi ni Tito Ante, nakatayo sa harap ni Micky, seryoso.

"Hindi." Sumubo na ng pagkain si Micky.

"Kaya mong sabihin 'yan sa puntod ng mama mo?" Sabi naman ni Tito Ante.

Hindi kumibo si Micky.

"Hindi biro ang makulong." Si Tito Ante. "Huwag sanang mangyari sa iyo. Pero ikaw ang magdedesisyon para sa sarili mo. Gusto mo bang maging patapon, Micky? Kung gusto mo, sige. Buhay mo 'yan. Malulungkot lang ako na sa wala mauuwi lahat nang dusa at sama ng loob na inabot ng mama mo, mabuhay ka lang."

Uminom ng tubig si Micky pagkatapos ay tumayo at tahimik na lumabas ng bahay.

"Micky--" hindi alam ni Olivia ang gagawin. Napatingin siya kay Tito Ante. Bumuntonghininga lang ito, parang sinasabing hindi na nito alam ang gagawin.

Nagdesisyon si Olivia. Lumabas rin siya para sundan si Micky. Sa kalsada na niya ito inabutan.

"Bumalik ka na sa bahay." Sabi nito.

"Naiinip ako dun. Gusto kong....maglakad."

"Malayo ang pupuntahan ko."

"I don't care."

"Wala akong direksyon."

"Wala akong ala-ala."

Napangisi sa kanya si Micky, "Mawawala tayo pareho."

She smiled back. Mas kita na niya ang anyo nito sa liwanang ng araw. He was fair complexioned. His hair was short. His brows arched and thick. His mouth wide and looked as though he's about to laugh.

His eyes were sad. Naniningkit iyon kapag ngumingiti ito. Still, they were sad.

"Why did you do it, Micky?" Tanong ni Olivia.

"What?"

"Burn the school."

Tumingin sa kanya si Micky. Parang iniisip kung tatanggi o aamin.

"Hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang pasayahin ang prom. Nilagyan ko ng mga sawa ang mga basurahan."

"Sawa? Ahas?"

"Paputok. Mahaba 'yun, rapido."

"Ah." Tango ni Olivia, "Paano kung may napahamak sa ginawa mo?"

"Wala naman napahamak talaga, eh. Maliit lang 'yung apoy, napatay agad."

"Nagkagulo ang mga tao, kung me nadaganan?"

"Wala naman, di ba? At ang lapit lang nung field, open-gym naman 'yun."

"Mali ka pa rin."

Tumawid sila sa dulo ng kalsada at deretso pa ring naglakad.

"May tiwala ka pa ba sa 'kin?" Tanong ni Micky.

"Wala naman akong choice kung hindi magtiwala, Micky. Ni hindi ko alam kung nasaan ako at sino ba talaga ako. Sabi nung Sir Rius kanina, ako raw 'yung Olivia na nawawala noon pang 1988."

Napatigil si Micky, "Ha? Galing sa bahay si Ninong?"

"Kaya alam ni Tito Ante na ikaw ang sumunog dun sa school. Kakausapin ka sana pero nakita n'ya ako. Kilala n'ya ako, Micky. Ako daw si Olivia na...kaibigan ng mama mo."

"Shit!" Bulalas nito. "Kaya pareho kayo ni Mama ng damit? Ikaw 'yung Olivia sa notebook n'ya?"

"Ha?"

"Sa mga kahon ni Mama. Nakita ko...pero...paano nangyari 'yun? Nineteen eighty-eight....tapos....imposible, 'yun! Baka...anak ka nun? Nung Olivia. Olivia Junior ka."

"Sabi pa ni Sir Rius, apo ako nung beterinaryo na Primo. Kilala mo 'yun?"

"Hindi. Baka si Tito Ante, kilala 'yun."

"Gusto ko silang puntahan. Baka kilala nila ako...baka nga apo nila ako...sa tuhod."

"Sige, mamaya."

Dalawang kanto pa ang tinawid nila hanggang mamalayan na lang ni Olivia, nasa palengke sila. Sumuot sila sa mga eskinita sa pagitan ng mga stalls.

Sa tindahan ng mga bulaklak sila huminto. Bumili ng dalawang bundle na mums si Micky.

"Ito na lang muna, mahal ang rose kasi February pa. O--" ibinigay nito sa kanya ang isang bundle ng dilaw na mums.

"Uh, thanks." Sa dyaryo lang nakabalot ang mga bulaklak. And yet...they were the sweetest...it was the most beautiful bouquet. "Sana malaman ko na kung saan ako nakatira. Para mailagay ko 'to sa vase."

Time After TimeWhere stories live. Discover now