Untitled Part 65

1.2K 58 5
                                    


HINDI NA NGA NAGULAT SI OLIVIA SA PAGKAWALA NI INAY DORIS. SIMULA NANG ILIBING si Tatay Primo, nawala na ang sigla ng lola niya. Walang ganang kumain, hindi lumalabas. Laging masama ang pakiramdam. Nalalaman nina Olivia ang kalagayan ng matanda kay Manang Udes. Iyon ang nagrereport sa kanyang daddy.

Limang buwan pa lang sa libingan si Tatay Primo, nalamang may colon cancer si Inay Doris. Wala pang six months after that, namatay na ito. Hindi nakakagulat. Hindi rin nakakalungkot.

Si Ate Ellen ang laman ng isip ni Olivia.

Hindi si Ate Ellen ang tipo na magmamarakulyo at iiyak na lang sa isang sulok. Aksyon ang sagot nito sa lahat nang problema. Tanda ni Olivia, noong ilibing ang kanyang mommy, pareho sila ng kanyang daddy na halos ayaw nang lumabas man lang sa kwarto. Si Ate Ellen, naglinis ng bahay, naglaba, nagluto ng sopas, kahit ito lang din ang kumain. Kinabukasan, nanghingi ng pambayad sa mga bills, namalengke, namlantsa. The following Monday, ginising si Olivia para pumasok. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod.

"Hindi ito madali pero buhay pa tayo sa ayaw natin at sa gusto, hindi tayo pwedeng umastang patay."

Iyon lang ang sinabi ni Ate Ellen habang hinihintay nila sa gate ang service niyang traysikel. Pag-uwi niya noong hapon, wala na sa bahay ang kanyang daddy. Rumeport daw sa opisina. Hula ni Olivia, si Ate Ellen rin ang nagtulak sa kanyang daddy na ituloy ang buhay.

Hindi nga madali. Parang lahat na lang bagay, nagpapaalala sa kanya sa kanyang mommy. But Ate Ellen just kept on waking her up each morning , sabay bubuksan pa ang blinds ng bintana, revealing the sunshine to her.

Nang bumalik sila sa Manila matapos silang palayasin ni Inay Doris, ganon rin lang ang ginawa ni Ate Ellen. Within days, may nakasayan na silang routine. Inenroll siya sa swimming lessons kaya tuwing umaga, naroroon sila sa kalapit na sports complex. Hinihintay na siya doon nina Ate Ellen at Tiff. Pag-uwi nila, maghahanda sila ng lunch.

Pagkakain ng tanghalian, magpapahinga sila. Magkakatabi silang tatlo sa kama, pipilitin, papakiusapan, susuhulan, tatakutin si Tiff para matulog rin. Pagkatapos ng siesta, haharapin na ni Ate Ellen ang ibang gawainng-bahay. Si Olivia ang mag-aalaga kay Tiff. May mga pagkakataong naiinis siya sa kapatid. Sobrang kulit, kaaway pa niya sa TV lagi. Cartoons lang ang gusto. By seven pm, ubos na ang lakas ni Olivia. Hindi biro ang mag-alaga sa toddler.

Bumalik na nga kahit paano sa normal ang buhay niya. Hindi na niya naiisip masyado ang mga nangyari, dahil wala na siyang time mag-isip. Sa sobrang pagod niya kay Tiff, nakakatulog agad siya. Iyon siguro talaga ang gustong mangyari ni Ate Ellen.

Olivia could feel that it was working. She was feeling better and better. Sana lang, kaya rin niyang ayusin ang sitwasyon ni Ate Ellen. Naaawa siya dito. Obvious naman sa kanya na may relasyon pa rin ito at kanyang daddy, pero iyong pakasalan si Ate Ellen, parang palabo nang palabo.

Hindi pinapabayaan ng daddy niya sina Ate Ellen at Tiff. Kapag nasa bahay ang kanyang daddy, para silang masayang pamilya. Namamasyal sila, nanonood ng sine, kumakain sa labas, nagche-check-in sila sa magagandang resorts at hotels since hindi naman umalis sa airline ang daddy niya. Mas tumaas pa ang sweldo.

Still, para kay Olivia, Ate Ellen deserved more. Much, much more. Nakikita naman niya na mahal ito ng kanyang daddy.

Why couldn't he marry her?

Dahil sa kanyang lolo at lola, pati na mga tiyahin at tiyuhin. Lahat ang mga iyon, pinagsumbungan ni Inay Doris laban kay Ate Ellen. And her father didn't want to upset the family.

Sometimes Olivia hated her dad.

But she hated her grandparents more. Hindi na niya iyon kayang itanggi. Wala siyang mahukay na luha para kay Inay Doris. Ang naiisip lang niya sa mga oras na iyon, habang nakamasid sa ataul ng matanda ay ang mga sulat niyang hindi nakarating kay Trini, ang pangmamaliit kay Trini at kay Ate Ellen, ang pag-ismid kay Tiff, ang bukambibig na, 'Hindi na kayo nahiya, ano'ng sasabihin ng ibang tao?'

Noong Lunes pa silang mag-ama doon sa bahay. Hindi nila kasama sina Ate Ellen at Tiff dahil nilalagnat ang huli. Nakisama raw, bulong kay Olivia ni Ellen. Binigyan ito ng dahilan na huwag nang sumilip sa lamay. Wala ring amor sa matanda si Ate Ellen at hindi ito masisisi ni Olivia.

It was a long, hellish week. Naroroon rin sa bahay ang mga pinsan niya na kung tingnan siya at tratuhin, parang nakakakita ng alien. Ingat na ingat ang kilos at pananalita kapag kaharap siya, parang mga nakatuntong sa eggshells. Pag nakatalikod naman siya, nagbubulungan at nagtatawanan.

She was the crazy cousin. She was the killer cousin.

Hanggang bukas pa niya titiisin ang lahat. Miss na miss na niya si Tiff, she sighed...and groaned inside when Marife entered the wake area and approached her.

"Hi, condolence." Sabi nito, humalik pa sa pisngi niya. Naka-school uniform pa si Marife, sangkaterba ang dalang libro. Hindi muna umuwi sa sariling bahay bago tumuloy sa lamay? She could not shake the feeling that Marife was showing off. Kanino?

Siempre, sa 'kin. Para ipamukha sa kanya na napag-iwanan na siya.

"Kagabi pa 'ko dapat kaso hindi ako pwedeng umabsent." Sabi pa nito na wala namang sense para kay Olivia.

"Hindi ka puwedeng umabsent so, hindi ka dapat nandito dapat kagabi." Pamimilosopo niya.

Naupo ito sa tabi niya sa sofa na inilipat sa isang tabi para bigyang daan ang ataul ni Inay Doris.

"Ang payat mo na, ah." Comment ni Marife, "Kumakain ka pa ba?"

Olivia was sure she looked so much better now than months ago. She had lost the 'tabang-hangin', her acne had cleared up, but Marife made it all seem bad.

"Sayang." Sabi nito pagkalipas ng ilang saglit. "Hindi ka nakapunta sa debut ko. nandun halos lahat 'yung class natin, kinukumusta ka nga nila."

"Excuse me." Tumayo siya at lumabas. May mga mesa rin sa bakuran nila para sa mga nakikiramay. Her father was in one of those, kausap ang mga kasamahan sa airline.

Lumabas siya ng gate at huminga ng malalim. Parang nagsikip na ang dibdib niya sa amoy ng kandila at mga bulaklak sa loob, sabik siya sa sariwang hangin. Tumingala siya. Maraming bituin.

She could not help thinking of her mom. And then Corey.

Pagbaba niya ng tingin, may lalaking palapit sa kanya. Payat, maliit, hanggang balikat na ang buhok na shaggy. Nakasalamin. May dalang canvas na satchel.

"Olivia?" Sabi nito.

She could not believe her eyes, "Rius?" 

Time After TimeWhere stories live. Discover now