Chapter 44: Be there for me, Hannah

917 36 6
                                    

Ibang iba ang kilos ni Jethro sa pagkakakilala ko sa kanya. Nakilala ko siyang kalmmado at may sariling confidence sa sarili. Hindi katulad ngayon na parang natataranta siya na parang may gustong takasan.

"Anong ginagawa mo dito?" yun lang ang natanong ko sa kanya sa gulat ko.

Tinignan ni Jethro yung lamesa kung saan ako nagaayos ng mga gamit.

"I see that you are getting out of this hospital?"

"Ano naman sayo?" naging matapang ako sa pakikipagusap kay Jethro.

"Umalis na kayo bago pa may mangyari" napahinga na siya ng malalim nun.

"Anong gagawin mo?"

"Hindi ako." Napangiti si Jethro "Baka si Aiden pa ang gumawa ng gulo"

"Ha? Bakit naman?" 

"Nandito si Clare. She is visiting our mom. Im doing a favor for Aiden and probably you. Ayaw mo naman sigurong makitang nagwawala si Aiden."

Magwawala si Clyde? Bakit?

"I know you are confused pero makinig ka lang sa akin. Nothing will happen kung aalis na kayo ngayon."

Hindi na naman mapakali si Jethro. Kung kaya niya lang baka tinulak na niya ako palabas ng kwarto hanggang palabas ng ospital.

Tumalikod si Jethro sa akin at binuksan yung pinto nung nagtanong ako sa kanya.

"Bakit ganyan ka na lang kung magalala kung magkikita si Clyde at si Clare?"

"I am not giving any crap about Aiden. Kambal ko si Clare at kung alam mo ang alam ko. Magdadalawang isip ka din kung bakit dumidikit ka pa sa kanya"

"Paano kung sabihin ko sayo na alam ko?"

Tumingin sa akin ng makahulugan si Jethro. 

"Are you really sure of what you know?" seryoso niyang sabi sa akin bago siya tuluyang lumabas.

Tumaas ang mga balahibo ko sa huli niyang sinabi. Para niya akong hinahamon na mali ang nalalaman ko patungkol kay Clyde. Mali ba ang sinabi ni Sage? Ano ba ang tama?

Nakaayos na ako nung bumalik si Clyde. Sa totoo niyan nahuli ko ang sarili kong iniisip si Clyde at kung ano ba ang nakaraan niya. Nung tinignan ko si Clyde ay may hawak siyang inumin nun at inalok sa akin.

"Hindi ba pwedeng humabol ako sa klase ngayon?" 

"Wag na. Wala ka naring aabutan."

"Pero Clyde-" tigil ko sa paginom

"Okay okay. May magagawa pa ba ako? May matalino kasi akong girlfriend."

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon