-83-

221 11 38
                                    

[Gail]
Huminto ang sinasakyan namin ni Sky sa lugar kung saan pamilyar na pamilyar ako.

Ang simbahan.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya nginitian ko siya. Hinawakan naman niya ang kamay ko  at hinatak papasok sa loob ng simbahan.

Agad kaming umupo. Siya ang gusto kong pasalamatan. Nakangiti nitong sabi sabay luhod at nag umpisa ng magdasal. Napangiti naman ako dahil sa nakikita kong ginagawa ni Sky kaya lumuhod na din ako at pumikit para taimtim na magdasal.

Ama, salamat sa lahat ng biyaya na pinagkaloob mo. Gabayan ninyo po sana ako sa aking misyon dito sa mundo ng mga mortal nawa'y matapos ko ito at matulungan ko si Xave, iyon lamang po Ama. Matapos kong magdasal ay umupo ako para intayin si Sky matapos.

Nang matapos si Sky ay agad niya akong nginitian at niyayang lumabas na ng simbahan. Sandali lang kaming natigil dahil nakasalubong namin ang isa sa katiwala dito sa simbahan.

Mr. Park napadalaw po kayo? dapat nagpasabi po kayo para nasabihan ko si Father na darating kayo.

Hindi naman po kami magtatagal dumaan lang po ako para magpasalamat. Ito nga po pala pinabibigay ni Dad para sa pagpapaayos ng simbahan at donation na din po. Malugod naman itong tinanggap ng katiwala at nagpasalamat. Matapos nila mag usap ay tuluyan na kaming lumabas.

Madalas ka pala dito, Sky? Tanong ko matapos namin makalabas.

Ahh oo, madalas kami sumimba ni Dad dito noong hindi pa siya gaanong ka busy sa company namin but now ako nalang. Napatango naman ako sa sagot niya.

Anong pinagpasalamat mo Sky? Maari ko bang malaman?

Hmmm... nagpasalamat lang ako sa biyaya na binigay sa akin at kay Dad. Nagpasalamat din ako sa pagkakaayos namin ni Dad at pinagpasalamat ko din na nakilala kita at dumating ka sa buhay ko. Nakangiti niyang sabi. Natigilan naman ako kaya hinatak na niya ako papunta sa sasakyan niya.

Nang makasakay na kami sa sasakyan ay agad naman niya itong pinaandar.

Sigurado ako na magugustuhan mo sa pupuntahan natin. Alam kong hilig mo ang ganung lugar. Masaya niyang sabi.

Saan ba tayo susunod na pupunta? Hindi naman siya sumagot, sa halip, ngumiti lang ito.

Medyo mahaba-haba din ang byahe namin bago kami nakarating sa lugar na sinasabi niya. Gaya ng ginawa niya kanina ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagbaba ko nilibot ko lang ang aking paningin sa paligid.

Ngumiti naman sa akin si Sky at hinawakan ang kamay ko para hilahin.

Namangha naman ako sa lugar na tinigilan namin. Isa itong park na may malawak na garden. Napaka ganda dito at napaka aliwalas. Masayang-masaya kong tiningnan si Sky.

Surprise! I know magugustuhan mo dito at hindi nga ako nagkamali. Nakangiti nitong sabi.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at dali-dali siyang hinatak para maglibot.

Dali Sky. Maglibot na tayo. Excited kong pagkakasabi sa kanya.

Nagumpisa na kaming maglibot dito. Napakaganda talaga dito. Kinuhaan ko pa ng picture ang ilang parte ng park.

Sumubok din kami maglaro dito. Meron kasing mga laro dito na may premyo na makukuha sa oras na manalo ka.

Maglalaro ngayon si Sky ng shooting game. Papatamaan niya ng baril ang target.

Nasa tabi naman niya ako manood at para i cheer na din siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Anong gusto mong mapanalunan ko Gail? Agad naman akong tumingin sa mga maari niyang mapanalunan.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon