-7-

294 19 2
                                    

Gail's POV
Nanatili lang akong nakaupo dito habang pinagmamasdan ang paligid. Hindi na ako pumasok sa loob dahil hindi naman nila ako kilala bukod dun ay ako din ang dahilan kung bakit andito si Sammie. Ayaw ko rin makita ang ekspresyon na meron si Xave.

Mukhang malalim iniisip mo ah!

Agad akong tumingin sa nagsalita.

Sky!

Naiinip ka na ba? Gusto mo na bang umuwi? Nakausap ko si Xave at balak niya magpalipas ng gabi dito hanggang sa malibing si Sammie. Napag usapan namin na mag stay at samahan siya. Pagbibigay alam niya.

Hindi naman ako naiinip. Ayos lang ako dito. Nakangiti kong sagot

Ihahatid sana kita kung gusto mo na umuwi. Para makapag pahinga ka din.

Ayos lang kaya ko naman umuwi mag-isa, higit na kailangan ka dito ni Xave.

Ano ka ba syempre di kita hahayaan umuwi mag-isa. Nandiyan naman sila tres eh habang hinahatid kita sila muna bahala kay Xave.

Nakakahiya masyado na kita inaabala.

Ayos lang. So tara na? Pagyaya niya sakin.

Sige, salamat.

Hinatid na ako ni Sky sa bahay. Bago siya umalis binilinan niya ako ng mga dapat at di dapat kong gawin. Tinuruan din niya ako kung paano gamitin yung importanteng bagay habang wala sila.

Mauuna na ako. Basta yung bilin ko Gail. Tumango at ngumiti lang ako sa kanya bago siya tuluyang umalis.

Hay! Wala parin bang balita? Kailan kaya babalik si Shin? Masyado na ako nagtatagal dito sa mundo ng mga tao. Hindi kaya hindi na nila ako pabalikin wag naman sana.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now