-1-

1.5K 28 4
                                    

Someone's POV
Sigurado ka ba na kaya mo? Madami ang binigay sayong misyon ni Clyne. Maari kitang tulungan kakatapos lang ng misyon ko. Tanong sakin ni Shin, isa sa matalik na kaibigan ko.

Oo naman Shin, kayang kaya ko ito buti nga binigyan ako ng ganitong misyon ni Clyne ibig sabihin pinagkakatiwalaan niya na ako sa mga ganitong misyon. Nakangiti kong saad kay Shin.

Sigurado ka? Maari kitang tulungan di mo pa gamay ang ganyang klaseng misyon. Alam kong mahihirapan ka. Nag aalalang saad ni Shin.

Ano ka ba Shin lagi mo nalang ako tinutulungan sa misyon ko nakakahiya na sayo nagtatagal ang pagtapos mo ng misyon mo dahil sa lagi mo akong inuunang tulungan. Kaya ko to no! Tsaka chance ko na rin tumaas ang rank ko no nangungulelat na ako eh. Wala ka ba tiwala na kaya ko to Shin?

Di naman sa ganun pero baka may mangyari habang ginagawa mo ang misyon mo na di umaayon sa gusto mo. Ayaw ko lang na magaya ang misyon mong ito sa mga dati mong misyon.

Ano ka ba Shin hindi na ako papalpak sa misyon na ito dahil malalagot ako kay Clyne pag nangyari iyon.

Paano mo masisiguro ha! Eh yung huling misyon mo halos parusahan ka na ni Clyne sa pagpalpak mo ng misyon mo. Pinagbantay ka lang niya ng pinto tungo sa lagusan pero nagkamali ka pa. Tapos yung misyon natin nagkamali ka din diba muntik ka pa mapahamak? Oh ano paano mo masisigurado? Nag aalala lang ako sayo dahil mahirap at madami ang pinagagawa sayo ni Clyne. Mahabang paliwanag ni Shin sakin.

Shin magiging okay lang ako sa misyon na ito at promise ko sayo na hindi na ako papalpak dito takot ko nalang kay Clyne. Tsaka chance ko na ito para i prove ang sarili ko na pwede din ako tumanggap ng ganitong misyon hindi yung puro pang baguhan yung mga misyon ko. Makakatulong din itong tumaas ang rank ko gaya ng sa iyo. Kaya wag ka na mag alala Shin kayang kaya ko ito ako pa.

Hay! Basta pag kailangan mo ng tulong wag ka mahihiya magsabi sakin okay?

Aye! Aye! Sir.

Saan mo naman natutunan yan?

Nakita ko lang nung minsan nagkameron ako ng misyon sa baba. Bagay naman diba?

Oo na, sige na pinapatawag ka na ni Clyne. Agad akong ngumiti kay Shin ng malaman na pinapatawag na ako ni Clyne. Naeexcite na ako sa bago kong misyon. Ito ang unang beses na magkakameron ako ng ganitong klaseng misyon sana wag pumalpak gaya ng iniisip ni Shin.

Pumasok ako sa silid kung saan naghihintay sakin si Clyne.

Kamusta Clyne? Nakangiti kong bati. Pero seryosong mukha ang tinugon sakin ni Clyne kahit kelan talaga to di marunong ngumiti.

Siguro naman ay nakita mo ang listahan ng may mga misyon. At alam mong di biro ang misyong ibingay sayo?

Tumango tango lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

Nais kong pagtagumpayan mo ang misyong ito. Ayaw ko malalaman na papalpak ka sa misyon ito dahil di biro ang binigay sayo nais kong tumutol dahil alam kong di mo gamay ang misyong ito pero wala ako magagawa dahil utos ito ng nakakataas. Naiintindihan mo ba?

Opo. Nakangiti kong sagot. Sisikapin kong pagtagumpayan ito.

Bumuntong hininga si Clyne halatang ayaw niya talaga ako sa misyong ito di ko siya masisi kasi puro palpak ang misyon ko. Bilang lang sa kamay ang napagtagumpayan ko at kasama ko pa doon si Shin.

Ito na ang libro mo. Siguraduhin mo na matatapos mo iyan. Alam mo ang rules sa oras na bumaba ka diba?

Oo, bawal ako magkaroon ng contact sa tao at bawal taliwasin ang nasa libro. Maari na ba ako mag umpisa?

Oo, makakalabas ka na ng silid.

Okay salamat Clyne. Paalam. Nakangiti ko parin saad. Paglabas ko ng silid ni Clyne nakaabang na sa akin si Shin.

Kamusta? Ano sabi ni Clyne. Nag aalala niyang tanong.

Okay naman pinaalalahanan lang niya ako sa mga rules oras na makababa ako. Halata ngang ayaw niya ibigay sakin yung misyon eh haha. Biro ko kay Shin. Ginulo lang niya ang buhok ko habang nakangiti.

Ikaw talaga. Basta mag ingat ka at galingan mo! Basta pag kailangan mo ng tulong sabihan mo ako ha. Nakangiting saad ni Shin. Isa talaga sa maasahan ko si Shin.

Oo naman, ikaw agad unang tatawagin ko pag kailangan ko ng tulong. Nakangiti kong saad.

Ilan ba ang nakasaad sa libro mo?

Agad kong binuklat ang libro ko.

Meron akong sampu. Andami naman nito pero kakayanin ko to.

Masyadong madami ang binigay nila sayo. Kakayanin mo ba yan?

Oo naman. Ako pa. Determinadong sagot ko sa kanya.

Oh siya mauuna na ako. Madami dami pa ito. Paalam Shin.

Mag iingat ka Gail. Agad akong nagtungo sa lagusan. Kaya mo yan Gail!

Nakalimutan ko palang magpakilala ako si Gail, isa akong hmmm.. isa akong tagabantay at tagasundo,pwede din na guardian angel basta madami kami trabaho. Pero madalas angel ako haha kaso sa halip na ako yung magbantay ako yung binabantayan kasi naman palagi ako pumapalpak kaya ako ang pinaka mababa na rank samin. Si Shin matalik kong kaibigan yun lagi ako tinutulungan nun sa lahat ng bagay. Si Clyne siya yung nagbibigay samin ng misyon. At ngayon excited na ako sa bago kong misyon ilang beses ko palang ito nagagawa kasama ko pa si Shin pero ngayon solo ko ang misyong ito. At ito na nga papasok na ako sa lagusan kung saan ang mundo ng mga tao. May susunduin kasi ako. Sana maging maayos ang misyon ko.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now