-58-

228 17 2
                                    

[Gail]
Nagising ako na katahimikan ang bumungad sa akin.

Mabuti naman at gising ka na. Napalingon naman ako sa kanya kay Nurse Xien. Nakangiti ito sa akin.

Anong ginagawa ko dito? Ang natatandaan ko papunta ako sa garden, dahil nanghihina ako, nakasalubong ko si Xave at... at... hindi ko na matandaan?

Dinala ka dito ni Xavier, nagulat pa ako dahil may buhat-buhat siya na walang malay. Tumingin naman ako sa paligid at hinahanap siya.

Umalis na siya after ka niyang dalhin dito. Pagbibigay alam niya. Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo? Umiling lang ako sa kanya.

Ayos na ang pakiramdam ko, nakabawi na ako ng lakas. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na ang epekto sa akin ng panghihina ko? Ito ba ang sinasabi ni Clyne na habang tumatagal ay pasakit ng pasakit ang panghihina ko?

Ayos na po ang pakiramdam ko, salamat po sa pag aasikaso sakin. Ano po bang oras na? Tumingin naman siya sa orasan na suot niya.

Malapit na mag 6pm. Nakangiti niyang sabi.

Ha!!! Teka ganon ba kahaba ang pagpahinga ko. Agad naman ako bumangon at nag ayos.

Maraming salamat po Nurse Xien. Nagpaalam na ako sa kanya. Paglabas ko ng clinic ay bumungad sakin si Cindy na masugid na nagiintay sa labas.

Gail!! Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Kamusta ka na? May masakit pa ba sayo? Nagulat ako ng may magpadala ng letter galing sa clinic sa room natin at sinabing nawalan ka daw ng malay. Gustong-gusto kitang puntahan kanina kaso di ako makaalis dahil sunod sunod ang klase natin. Sunod-sunod niyang sabi sa akin. Natawa naman ako ng mahina.

Ayos na ako Cindy, wag kang mag alala. Sobrang pagod lang ito. Nakangiti kong sabi para hindi na siya mag alala.

Bakit hindi ka nagsasabi sa akin. Inalalayan naman niya ako, bitbit na pala niya ang gamit ko. Wag ka na muna pumasok, ako na bahala magsabi kay ate maggie. Magpahinga ka nalang sa apartment. Tumango ako sa sinabi niya.

Hinatid muna ako ni Cindy sa apartment bago siya pumasok sa trabaho.

Aalis na ako Gail. Magpahinga ka ha. Ulit niyang paalala sa akin.

Oo. Mag ingat ka din. Itext mo ako pag pauwi ka na.

Nang makaalis si Cindy ay agad akong nagtungo sa kwarto namin para mahiga. Nakatingin lang ako sa kisame, naiisip ko parin siya at ang reaksyon niya noong araw na iyon. Bakit ganoon?...May bahid ng kalungkutan at inggit?

Ilang araw ko na itong pinagiisipan, mukha naman siyang okay at walang problema, bukod sa pagiging seryoso nito ay wala ng kakaibang mapapansin sa kanya. Kaya bakit ko siya nakitaan ng ganong expression?

Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga ko at kinuha ang maliit kong bag. Mamaya nalang ako magpapahinga. Maglilibot libot muna ako sa parke malapit dito sa apartment.

(Park)
Nang makarating ako ay agad akong naupo sa duyan, buti nalang ay walang masyadong tao ngayon dito sa parke. Mahina kong inuugoy ang duyan kong inuupuan. Habang iniisip parin ang bagay na iyon.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon