-25-

260 14 0
                                    

[Gail]
Pagkabalik ko, agad naman ako sinalubong ni Cindy.

Gail!!!! Ang galing mo kumanta. Ang ganda ng boses mo sabi mo may alam ka lang kumanta, di mo naman sinabi na sobrang ganda pala ng boses mo.

Ngumiti lang ako kay Cindy. Agad naman ako nakaramdam na parang may nakatingin sa akin. Nagpalingon lingon ako sa paligid pero wala naman.

Sigurado ako, pasok ka na sa glee club. Masayang sabi ni Cindy.

Alam mo gutom lang iyan halika na sa cafeteria.

At naglakad na kami pa cafeteria. Umorder lang ako ng sandwich at tubig.

Bakit iyan lagi ang inoorder mo Gail. Kaya ang payat mo eh.

Ah..nagtitipid kasi ako paubos na kasi ang pera ko na galing pa sa dati kong trabaho. Dapat makahanap na ako bago maubos iyon.

Ahhmm... sa tingin ko pwede kita tulungan, naghahanap pa ng isa pang staff yung pinag partime-an ko susubukan kitang ipasok.

Talaga!! Salamat Cindy. Ang saya ko, sana makahanap na ako ng tuluyan nahihiya na ako kay Sky, siya nalang lagi ang gumagastos hindi naman niya ako responsibilidad.

Pagkatapos namin kumain, agad akong hinatak ni Cindy papunta sa gymnasium. Pero bago kami makarating ay may na tanggap akong text galing kay Sky.

From: Sky
Hindi ko alam na magaling ka palang kumanta.

Iyon ang laman ng message niya sa akin. Kung ganoon napanood niya ang audition ko. Siguro siya yung naramdaman kong nakamasid sakin.

Uy Gail! Nakikinig ka ba? Tawag sa akin ni Cindy.

Pasensya na Cindy ano iyon?

Sabi ko bilisan natin dahil sigurado maraming manonood sa gym ngayon. At tuluyan na niya akong hinatak.

Ano ba kasi gagawin natin doon Cindy?

Manonood tayo ng try out ng basketball. Ngayon kasi sila naka sched dahil kanina ibang sports club yung nandito. Nakarating na kami sa gym, at tama nga si Cindy dahil ang daming manonood ngayon.

Gosh! Ang daming tao, iba talaga nagagawa ng 7aces sa mga babae dito sa school.

7aces, tama kabilang nga pala sa basketball si Sky at Xave kaya ang daming babaeng nandito.

Naghanap naman si Cindy ng pwesto, saktong pag upo namin ay nagsidatingan na ang mga miyembro ng basketball. Pero wala pa siya.

Ngayon mapapanood ko kung paano maglaro si Xave ayon sa sabi ni Nana paborito itong laruin ni Xave at ng ama niya. Unti-unting napuno ng tilian ang gymnasium ng pumasok, ang lalaking misyon ko.

Sabi na, kaya ang daming babae dito maglalaro pala siya. Patungkol ni Cindy kay Xave na kasalukuyan may kausap na di katandaang lalaki. Tinawag ito ni Cindy na coach.

Lalong lumakas ang tilian ng pumasok ang isa pang miyembro ng 7aces, si Sky.

Nagsimula na silang maglaro ng basketball. Nag laban lang sila ng mga gustong mag try out. Magagaling din ang mga ito. Habang nanonood ako di ko mapigilang humanga kay Xave napaka galing niya maglaro.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon