-35-

241 13 0
                                    

[Gail]
Nang makarating ako sa school nagpaalam lang ako kay Butler Seo. May ilang minuto pa bago mag umpisa ang klase ko. Nagmadali lang ako para makarating sa room namin.

Buti naman dumating ka na Gail. Pagkasabi noon ni Cindy ay kasabay ang pagtunog ng bell hudyat na mag uumpisa na ang klase.

Buong oras nakinig lang ako sa klase. Nang vacant time naman namin napili namin ni Cindy na kumain sa garden, bumili lang kami ng pagkain sa cafeteria.

Hindi parin pumapasok si Dos, may alam ka ba kung bakit? Siya ang usap-usapan sa university ngayon. Panimula ni Cindy. Natahimik naman ako sa tanong ni Cindy.

Nagtataka din ako kung bakit hindi parin siya pumapasok gayong alam kong siya ang nararamdaman kong may umaapaw na kasiyahan na nararamdaman sa kanilang pito.

Hindi parin kaya sila ayos ng ama niya? Mali ba ako ng hula sa nararamdam niya?

Gail? Agad naman napukaw ni Cindy ang atensyon ko.

May alam ka ba sa nangyayari kay Dos? Isa siya sa kaibigan mo diba? Pag uulit niyang tanong.

Oo, pero hindi ko maaring ikwento Cindy. Nirerespeto ko kasi ang personal na buhay ni Sky. Pasensya ka na.

Ano ka ba!, ayos lang, mali ako na tinanong ko sayo ang bagay na iyon masyado ng personal ang tanong ko. Hindi mo kailangan mag sorry.

Nga pala Gail, hindi ka ba dadaan sa SSC office? Dagdag na tanong ni Cindy.

Hindi na mamaya nalang siguro, wala rin si Liam sa office dahil may meeting siya tungkol sa nalalapit na sport festival.

Ganun ba. Sabay na tayo mamaya sa pagpunta ng cafe.

Naka day off ako ngayon Cindy. Nakalimutan mo na ba?

Oo nga pala, hindi nga pala tayo sabay ng day off. Sayang naman.

Abala ka pa din ba sa academic club? Pagbubukas ko ng bagong topic.

Oo, nalalapit na kasi ang competition na sasalihan namin, makakalaban namin ang taga ibang school.

Ganun ba.

Halika na Gail. Pumunta na tayo sa room. May ilang minuto pa tayo bago mag umpisa ang next nating klase. Tumango lang ako sa kanya. Nagumpisa na kami maglakad pabalik ng room nang makarinig kami ng tilian ng mga babae. Hindi na kami magugulat kung sino ang tinitilian nila dahil walang duda na 7aces iyon.

Pumasok na siya. Omg bakit lalo siyang pumogi. Kinikilig na sabi ng isang babae habang nagmamadaling pumunta sa pinanggagalingan ng tilian.

Pumasok?... di kaya?...

Mukhang pumasok na si Vice Pres. sabi ng katabi kong si Cindy. Halika na Gail, baka malate tayo. At hinila niya ako. Madadaanan namin ang room kung saan kabilang ang block ni Sky, dahil sa dulong bahagi ang aming room. Ang daming babae ang dumumog sa kanya. Nang mapatingin siya sa direksyon namin ay ngumiti siya. Tumingin naman ako sa likod namin, ngunit walang tao, ganun din ang ginawa ni Cindy.

Nagulat nalang kami ng makita na malapit na sa amin si Sky. Nakangiti parin ito. At nakikita ko sa mga oras na ito ang bulungan at masamang tingin ng mga babaeng sumalubong kay Sky.

Miss Secretary, pwede ka bang kausapin mamaya? Gulat ko naman siyang tiningnan. Ano bang ginagawa niya? Kala ko ba iiwasan niya muna ako habang hindi pa niya natatapos ang gagawin niya? Eh ano ito?

Ha? Iyan lang ang nasagot ko sa kanyang sinabi.

Mahina lamang itong tumawa at ginulo ang buhok ko, pagkatapos niya gawin iyon ay nagsimula na siyang bumalik sa room niya.

Ah... ano yung nangyari Gail? Naguguluhang tanong ni Cindy. Kala ko ba iiwasan ka muna niya. Eh ano iyon?

Hindi ko din alam Cindy. Iyon din ang tanong ko.

Mamaya na natin iyan problemahin. Halika na malapit na mag umpisa ang subject natin. At hinatak na ako ni Cindy, hindi nalang namin pinansin yung mga tingin ng mga babae samin.

Buong klase, iniisip ko ang nangyari kanina. Ano iyon? Bakit ganun si Sky?

(Few hours later)
Vacant time ulit namin, at nandito ako ngayon sa SSC office. Pinatawag ako ni Liam dahil may pinatype siya sa akin. Hindi naman ako mapakali dito dahil panay ang ngiti sakin ni Sky.

Mr. Park, please stop bothering my secretary. Look at her she's busy and you're distracting her. So, will you please pay attention on what you're doing. I need that files immediately, now, hurry up and do your thing. Sabi ni Liam habang nagbabasa siya ng mga papers.

Tss. Kj mo naman Mr. Pres. at binalik na niya yung atensyon niya sa ginagawa niya.

Napabuntong hininga naman ako. Minadali ko nalang ang pag type. Dahil may meeting kami mamaya sa glee club.

Nang matapos ko ang gawain ko sa SSC. Agad naman akong nagpaalam kay Liam na pupunta ng glee club dahil may meeting kami.

Naglalakad na ako sa pasilyo patungo sa room ng mga clubs ng biglang may humatak sa akin at hingal na hingal.

Finally! Naabutan din kita. F*ck that Liam, sabi niya  may inutos lang daw siya sayo sandali at babalik ka buti nalang natanong ko si Ace. Naguguluhan ko lang siyang tiningnan, ano ba sinasabi niya?

Napansin niya siguro ang pagkunot ko ng noo. Kaya ngumiti siya.

Intayin kita mamaya after ng meeting mo. Sabay na tayo libre kita mamaya. Nakangiti niyang sabi. At binitiwan na ako. Nag umpisa na itong maglakad pabalik.

Teka Sky! Ano ito? Bakit ganito? Kala ko ba? Naguguluhan ko paring tanong

Ngumiti lang siya sa akin at kumaway.

Basta mamaya. I'll wait for you. Napailing nalang ako at nag diretso na sa paglalakad.

Halos kumpleto na ng makarating ako sa club. Si Mr. Chan nalang ang iniintay namin.

Okay guys, I'm sorry nalate ako. May kinausap lang akong tao regarding some matters. So, let's start. Eh? Ako lang ba o sakin tumingin si Mr. Chan?

As I promised last meeting, iaannounce ko na ang mag perform sa upcoming sportfest. So for opening.... at nag umpisa na siyang magtawag ng pangalan na napili niya. And for the closing ay sila Gray at Dustin. Di pa finalize ang program ayon sa ating SSC President. Nagpatuloy lang si Sir Chan magsalita, Gray at Dustin? Diba pangalan iyon ni five at seven? Napalingon naman ako sa direksyon nila, ngumiti lang sakin si seven habang si five ay masama parin ang tingin.

Unfortunately, dapat kasama ka Ms. Dizon. Hay! Kelan kaya ako titingnan ni five na parang di niya ako kakainin ng buhay? Nakinig nalang ako kay Sir Chan. Teka! Parang narinig ko ang pangalan ko.

But the SSC President requested na wag ka muna daw isali sa mga mag peperform dahil magiging busy ang SSC during that day. They needed you, dahil personal secretary ka ni Mr. Kim. But he assured me na next activity natin ay papayagan ka na. Tumango lang ako sa sinabi ni Sir.

Nang matapos mag announce si Sir binigyan niya lang kami ng activity.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now