-8-

307 15 6
                                    

Gail's POV
Lumipas ang ilang araw, ganun parin ang sitwasyon ko. Nailibing na si Sammie pero si Xave blangkong ekspresyon parin ang meron siya. Nakakausap ko na din ang ibang kaibigan ni Xave at ayos naman ang pakikitungo nila maliban na nga lang kay five at six na mailap pa din sa akin.

Good morning Gail! Nakangiting bati ni Sky.

Magandang umaga din Sky. Ganting ngiti ko kay Sky.

Halika mag breakfast ka na din. Sabayan mo na ako. Agad akong lumapit sa kanya at sinabayan siya sa pagkain.

Di kalaunan bumaba si Xave galing sa kanyang silid.

Xave! Hindi ka na ba kakain? Tanong ni Sky kay Xave hindi manlang nito nilingon si Sky.

Hindi. At nag umpisa na ito lumabas ng bahay.

Hay! Mauna na ako Gail. May pasok pa kami. Yung mga bilin ko ha. Nakangiting paalam ni Sky.

Ngayon kasi ang araw ng pag pasok nila sa eskwelahan nila. Ano kaya ang itsura ng eskwelahan nila? Kagaya din kaya ng sa amin? Inabala ko nalang ang sarili kong tapusin ang kinakain ko. Kakaiba talaga ang mga pagkain meron ang tao.

Pagkatapos kong kumain, nag ayos ayos ako tinuruan kasi ako ni Sky paano gawin ito. Nakakahiya na wala ako ginagawa kapalit ng pagtira ko dito.

Gail. Nagulat naman ako ng may biglang tumawag sakin. Agad kong hinanap kung sino iyon at natagpuan ko itong prenteng nakaupo sa upuang mahaba ng mga tao.

Clyne. Mahinang usal ko.

Mukhang nawiwili kang maging tao. Seryosong saad nito.

Hindi sa ganun. Wala rin naman ako magagawa dahil wala akong paraan para alamin kung paano ako makakabalik. Si Shin lang ang nakikibalita para sa akin pero may misyon siya kaya wala ako pagpipilian kundi mag intay na kausapin mo.

Nandito ako para sabihin sayo ang desisyon ng nakakataas tungkol sa nagawa mong paglabag.

Ngunit hindi ako lumabag sa kahit anong rules Clyne. Aksidente ang nangyari hindi ko ito ginusto. Tutol ko sa sinabi niya.

Kahit na, kaakibat ng pagiging anghel mo ang mag ingat sa bawat misyon na gagawin mo tama ba? Seryosong tanong niya sa akin.

Pero... mahinang usal ko.

Pasalamat ka at binigyan ka pa ng nakakataas ng isang pagkakataon para makabalik. Agad akong nabuhayan ng loob sa sinabi niya.

Pero sa isang kondisyon. Makahulugan niyang sabi.

Kondisyon? Ano iyon? Gagawin ko para makabalik ako. Determinadong sagot ko.

Pagtagumpayan mo ang misyon mo na ibibigay nila at sa oras na magawa mo iyon makakabalik ka na.

Paano kung hindi ako magtagumpay? Agad kong tanong

Simple lang mananatili ka ng tao at malilimutan mo lahat lahat ng tungkol sa pagiging anghel mo.

Handa ka na ba para sa misyon mo Gail?

Oo, sisiguraduhin ko na magtatagumpay ako.

Kung ganoon... book! Agad lumitaw ang libro ng misyon sa harap ko, agad itong nagbukas at unti unting isinasaad ang magiging misyon ko. Nagulat ako sa lumabas sa libro.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now