-19-

254 17 0
                                    

Gail's POV
Tumunog ang bell, nagtataka naman ako na nagsimula na mag ayos ang mga tao dito sa silid.

Okay class let's continue this sa next meeting, maghanda kayo sa quiz. At umalis na si prof bitbit ang gamit niya.

Anong nangyayari? Agad naman ako humarap sa katabi ko.

Cindy, anong meron bakit nag aalisan ang mga tao dito?

Ahh vacant kasi natin ngayon. 3 hours bago ang susunod na klase. Paliwanag niya.

Magandang pagkakataon ito para pag aralan natin iyong mga past lesson para makahabol ka. Gusto mo ba sa library tayo?

May alam akong magandang lugar kung saan pwede, nakita ko ito kanina ng inilibot ako ni Liam.

Sige. Tara na.

(Montereal University Garden)
Nang makarating kami sa lugar na naisip ko. Agad niya akong tinanong

Dito mo din gusto mag aral? Manghang tanong niya.

Oo eh, gusto ko ang mga lugar na ganito. Nakakagaan ng pakiramdam kapag napapalibutan ka ng mga magagandang bulaklak.

Pareho tayo gusto ko din sa mga ganitong lugar. Nakangiti niyang pagsang ayon.

Halika na simulan na natin. At naupo kami sa may upuan at inumpisahan ang pag aaral.

Lumipas ang oras at marami na kaming natalakay. Sinigurado ko na naintindihan ko ang bawat tinuro niya. Hanggang sa nakarinig kami ng mga tilian.

Hay nako, andyan na naman sila. Biglang sabi ni Cindy.

Sila? Sinong sila? Nagtataka ko namang tanong. Sinong sila ang tinutukoy ni Cindy?

Eh di sino pa, edi yung mga heartthrob daw ng campus at isang sikat na gangster sa lahat.

Gangster? Ibig mo bang sabihin ay yung mahilig makipagbasag- ulo?

Narinig ko ang tungkol sa ganito dahil may sinundo ako dati na isang gangster.

Oo iyon na nga. Sila yung number 1 sa mundo nila. Kaya maraming natatakot sa kanila, ewan ko ba sa mga babae dito sa school natin at mas lalo pang humahanga sa mga iyan. Sabagay sabi nila mga "gwapo" daw ang members ng "7aces".

7aces?

Oo iyon ang pangalan ng grupo nila. Gusto mo ba sila makilala? Dahil kailangan mo silang makilala para maiwasan mo sila. Mahirap na masangkot sa business na meron sila.

Tumango lang ako sa kanya bilang pag sang-ayon, hindi ko alam pero parang naging interesado ako kung sino-sino ang kabilang sa grupong 7aces.

Alam ko may part sa website ng school ang tungkol sa kanila. May cellphone ka ba? Ipapakita ko sayo. Agad ko naman inabot sa kanya ang cellphone ko. Kinuha naman niya

Para sa isang scholar, mukhang mamahalin ang cellphone mo. Ito ang latest ngayon ah.

Regalo lang iyan sa akin. Tumango naman siya at nagsimula na siyang magkalikot sa cellphone ko. Maya-maya din ay may pinakita siya sa akin na larawan.

7th member: Gray Andes a.k.a "seven"
- pinaka masayahin member ng 7aces, happy go lucky kumbaga pero may pagka misteryoso din. Medyo womanizer. Kaya kailangan mo siyang iwasan kung ayaw mo sumali sa mga collection ng pinaiyak niyang babae.

Nagulat ako sa larawan na nakikita ko. Si seven ay kabilang sa grupo ng gangster. Baka nagkataon lang ito. Pero bakit hindi ko nahalata na isa siya sa miyembro ng isang gang.

6th member: Sandrex "Sand" Tingson a.k.a "six"
- isa sa misteryosong member ng 7aces hindi mo mabasa kung ano iniisip niya. Nakakatakot siya dahil minsan masayahin siya, minsan seryoso.

Hindi na ito nagkataon lang dahil pati si six ay kabilang din sa grupo ng 7aces.

5th member: Dustin "Dust" Lim a.k.a "five"
-siya ay isa sa pinaka nakakatakot na member ng 7aces. Laging seryoso, hindi mabasa kung ano ang nasa isip, nakakatakot siya dahil mahilig siya mamisikal lalo na't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Kaya iwasan mo siya dahil di mo magugustuhan pag nagalit siya.

Tumango ako sa sinabi niya kahit medyo naguguluhan pa ako dahil sila seven, six at five ay miyembro ng isang gang. At dahil doon may nabuong konklusyon sa isip ko at sana mali ako.

4th member: Travis "Trave" Klein Chua a.k.a "four"
-mature member ng 7aces, masayahin at minsan seryosong tao. Hindi mo mabasa din ang isip dahil nalilinlang ka ng mga ngiti nito.

3rd member: Treston Jung a.k.a "tres"
- kaya siya tinawag na "tres" ay dahil nasa pangalan na rin niya ito. Kagaya din siya ni seven na happy go lucky at womanizer. At may pagka misteryo din ang pagkatao niya.

Halos lahat sila ay kabilang sa grupo. Sana mali iniisip ko, sana hindi sila kabilang.

2nd member: Skyler "Sky" Drix Park a.k.a "dos"
- kanang kamay ng leader ng 7aces. Unlike sa ibang member ng 7aces, mabait at approachable si dos. Pero may mga times din na matatakot ka sa kanya lalo na't nagsimula na itong maging seryoso.

Wala na sira na ang pag-asa ko na hindi sila sangkot sa ganitong gulo. Nakompirma ko na mali ang iniisip ko na hindi siya kasama. Akala ko pa naman ay iba si Sky. Hay!

And lastly,
ang leader ng 7aces : Xavier "Xave" Kier Montereal a.k.a "uno"
-sa lahat siya ang pinaka nakakatakot, wala siyang sinasanto, hindi mo malaman kung ano ba ang nasa isip niya. Pag may mga kaaway siya at may nakakagawa sa kanya ng kasalanan hindi mo magugustuhan ang gagawin niya sa iyo. Kung ano iyon? Wag mo nalang alamin dahil walang may gustong malaman iyon. Isa lang naman ang kayang magpatibo kay uno, iyon ay si Samantha Montereal, ang kapatid niya kaso namatay na ito dahil sa isang sakit. Ayon sa sabi-sabi meron pang isang kayang magpatibo kay uno, hindi ko alam kung sino dahil wala na daw ito dito sa bansa dahil nag-aaral na ito sa ibang bansa. Sa lahat si uno ang iiwasan mong makita.

Paano ko gagawin na iwasan siya? kung ang kailangan ko ay ang mapalapit sa kanya.

Ngayon kilala mo na sila, hindi mo na kailangan magulat kung araw-araw may naririnig kang tilian. Dahil lahat ng babae dito patay na patay sa 7aces kahit na mga gangster ang mga iyon.

Ibinalik na niya sa akin ang cellphone ko. Tumango lang ako sa sinabi niya. Agad naman siya napatingin sa orasan niya at nag unat-unat.

Gusto mo bang kumain Gail? May ilang minuto pa tayo bago ang susunod na klase. Nakakagutom din mag-aral at magkwento sayo ang tungkol sa 7aces. Haha.

Tumango lang ako sa sinabi niya. Nagsimula na kaming ayusin ang mga gamit namin. At naglakad papunta ng cafeteria daw.

Simula ng nalaman ko ang tungkol sa 7aces mas lalong naging komplikado ang misyon ko. Hindi pa ako nakakagawa ng paraan para mapalapit sa kanya pinalalayo naman ako ng pagkakataon. Hay! Hindi ko na alam kung paano ko tatapusin ang misyon na meron ako. Makakabalik pa ba ako kung saan ako galing o mananatili na lamang akong tao at malilimutan ang bagay na nakasanayan ko ng gawin?

Oh my Angel!Where stories live. Discover now