-74-

253 16 0
                                    

[Third person]
Matapos ang performance ni Six ay agad umakyat si Cindy at Sky na siyang emcee ng event.

Wow! What a spectacular dance performance! Do you agree with me Vice-president? Masiglang sabi ni Cindy.

Yes, I agree with you Cindy. Hindi naman papahuli ang ating last performers. Pagsang-ayon ni Sky.

Tama ka diyan Vice. Balita ko may special partner siyang makakasama ngayon. Dahil may konting changes na naganap.

Oh! Talaga?! Mukhang nakakaexcite ang performance nila, kaya wag na nating patagalin pa. Let's welcome...

GAIL DIZON and her special partner. Sabay na sabi ni Cindy at Sky bago bumaba ng stage.

Lumabas naman ng stage si Xave. Hindi pa siya makita ng ayos dahil madilim pa sa stage.

(A.N: Gail and Xave song on multimedia. Play it while reading para dama ninyo ang pag iimagine hahaha. Pa imagine nalang na si Gail yung kumakanta sa part ni Lady Jane. Ps: galingan ninyo nalang po mag imagine hehe.)

Nang mag umpisang tumugtog ang kakantahin nila, agad tinutok kay Xave ang spotlight habang nakaupo siya sa isang bench na props sa performance nila.

Napasinghap ang mga tao sa loob ng hall dahil hindi nila inaasahan na si Xave ang tinutukoy ng emcee. Nang mag umpisa na itong kumanta ay hindi na mapakali ang mga babae dahil nagtilian na ito matapos marinig ang magandang boses ni Xave, nakadagdag pa sa tilian ng mga ito ng biglang ngumiti si Xave na lalo nagpaangat sa kagwapuhan niya.

Matapos kantahin ni Xave ang part niya ay nawala saglit ang spotlight at nalipat kay Gail, na nakatayo habang nakasandal sa parang pader na kasali rin sa props nila. Nang tumama sa kanya ang spotlight ay agad siyang lumingon sa audience at ngumiti ng pagkatamis-tamis dahil sa ginawa niya ay napasigaw ang mga lalaking nanonood sa hall kahit si Sky ay napatulala dahil ang ganda ni Gail nung ngumiti ito.

Sa backstage naman ay ganun din ang reaksyon ni Treston at ibang lalaki samantalang napairap naman ang grupo nila Chelsea.

Matapos gawin iyon ni Gail ay dahan-dahan siyang lumapit sa bench kung saan nakaupo si Xave pero hindi siya umupo sa tabi nito sa halip, ay sa arm rest ng upuan siya umupo. Nakatagilid ang pwesto niya. Part ulit ni Xave kaya kinanta niya ito. Nang chorus na, sabay nila itong kinanta pero nanatili sila sa pwesto nila.

Nang matapos ang chorus part, ay part ni Gail ang kakantahin kaya naupo na siya sa bench at si Xave naman ang naupo sa arm rest. Pero may effect na nagtitinginan sila habang nagngingitian pag may sabay na part ang kanta.

Nang mag chorus ulit ay sabay silang tumayo hinawakan naman ni Xave ang kamay ni Gail kaya nagulat siya sa ginawa nito.

Habang binibigkas ni Xave ang katagang "I'm in love" at "I fall in love" ay nakatingin lang siya kay Gail tapos sabay tingin sa audience.

Nang malapit na matapos ang kanta ay hinatak ni Xave si Gail papalapit sa kanya kaya nagulat ulit siya. Ngumiti naman sa kanya si Xave sabay ipit ng ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga nito sabay kanta ng huling kataga ng kanta na " you are so beautiful". 

Nang matapos ang performance nila Xave ay agad silang pumunta sa backstage. Habang tinawag naman ng dalawang emcee si Liam para formal na i close ang program.

Pero hindi lingid sa kaalaman ng lahat ay may isang tao ang nawalan na ng gana matapos mapanood ang performance ni Xave at Gail. Nakaramdam ito ng selos dahil sa nasaksihang performance.

[Gail]
Nang matapos ang performance namin ay agad kaming pinapunta ni Sir Chan sa glee room, kasama parin namin si Xave dahil pinasama ito ni Sir Chan.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now