-9-

329 15 0
                                    

Sky's POV
Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse ko pupunta kaming mall. Balak ko siyang ibili ng cellphone para pag pupunta siya sa school ay tatawagan niya nalang ako. Saan ba kasi galing itong babaeng ito at hindi niya alam ang salitang cellphone.

Saan ba kasi tayo pupunta Sky? Kanina niya pa ako kinukulit tungkol kung saan kami pupunta.

Basta. Iyan lang ang lagi kong sagot sa kanya. Hindi rin nagtagal nakarating na kami sa mall.

Anong lugar ito? Nagtatakang tanong niya. Seriously, di niya alam ang mall?

Nasa mall tayo. Halika na sa loob. Hinila ko na siya papasok sa loob. Agad kaming nagtungo sa store kung saan nakakabili ng cellphone.

Pagpasok namin agad akong binati ng mga staff. Nagikot-ikot kami sa loob at nang makita ko na yung phone na bibilhin ko agad kong binigay ito sa nag aasist para i assemble at lagyan ng sim. Di rin naman nagtagal inabot na sakin ito ng staff. Agad ko naman binigay ang credit card ko para sa bill.

Agad akong napalingon kay Gail, nakaupo ito habang nililibot ang paningin sa store ng matapos ako ay agad ko siyang nilapitan.

Tapos ka na? Tumango lang ako sa kanya at hinila ko na ulit siya.

Saan mo gustong kumain? Nagugutom ka na ba?

Ahh, wala akong pambili ng pagkain dito mukhang mamahalin ang mga pagkain meron dito.

Ano ka ba libre ko. Alam kong gutom ka na kasi ang tagal mo nag intay sa labas ng school.

Pero...

Wag mo na isipin akong bahala. So, saan mo gustong kumain?

Ngumiti lang siya sakin. Ikaw na ang bahala. Ngayon palang ako nakapunta dito kaya wala akong alam na lugar na pwedeng kainan.

Ganun ba. Sige ako bahala. Tara dito tayo. At hinila ko ulit siya papunta sa lugar na kakainan namin.

Pagkaupo namin agad lumapit ang waiter. Agad naman ako pumili sa menu na binigay niya. Ganun din ang ginawa ni Gail. Meron na ako napili kaya inaantay ko nalang si Gail.

Ah, Sky masyadong mahal dito. Sa iba nalang tayo.

Hindi ko naman siya pinansin at nakangiti ko siyang tinanong.

May napili ka na ba?

Tumingin na naman siya sa menu. At napakagat labi siya halatang nahihirapan siya pumili. Natatawa ako sa kanya dahil ang cute niyang tingnan.

Gusto mo ba ako na ang pumili ng para sa iyo. Wag ka mag alala masasarap ang pagkain nila dito. Agad siyang nagtaas ng tingin sakin at dahan dahang tumango.

Sinabi ko kaagad sa waiter ang order ko at ng matapos niya ulitin ito ay iniwan na niya kami.

Sky, dapat sa mura nalang tayo kumain. Wala ako pambayad dito mukhang mamahalin dito.

Ano ka ba ayos lang. Libre ko naman eh. Wag ka na mahiya, okay?

Tumango lang ito.

Gail, saan ka ba talaga galing? Nagtataka lang ako.

Kahit naman sabihin ko sayo kung saan ako galing hindi mo din maiintindihan. Mabuti pa na hindi ninyo alam. Seryosong sagot niya.

Dumating din agad ang order namin. At tahimik lang kami kumain.

Gail, ano nga pala iyong itatanong mo sa akin? Hindi ba iyon yung reason kung bakit ka pumunta ng school.

Sa ibang araw ko nalang itatanong. Nakangiti niyang sagot.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now