-22-

265 15 0
                                    

Gail's POV
Nakabalik na kami sa klase namin at usap usapan parin ang nangyari sa cafeteria. Hay! Masyado naman nila ginagawang malaking bagay ang nangyari. Agad naman ako napatingin sa katabi ko, buti naman ay okay na siya. Naramdaman niya siguro na may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sa akin, nginitian ko lang siya at binalik ko na ang atensyon ko sa lesson.

Lumipas ang oras, natapos na ang klase namin pero hindi pa kami pwede umuwe dahil may ipapaalam daw samin ang adviser namin.

Okay class, i aannouce ko lang na bukas ay walang kayong klase magkakaroon kayo ng try outs and auditions para sa mga clubs.

Anong clubs? Tumingin naman ako kay Cindy. Agad naman niya nakuha ang nais kong sabihin.

Bukas kailangan mong mag isip kung saan mo gusto sumaling club gaya ng art club, glee club, dance club, drama club, meron din mga sports at sa website club.

Ahh ganoon ba. Ikaw saan ka kabilang?

Ako? Sa academic club at sa SSC club. Ikaw saan mo gusto sumali?

Hindi ko pa alam eh.

Dapat alam mo na dahil hanggang bukas lang ang try outs and audition para sa mga club. Nagsimula na siyang ayusin ang gamit niya.

Tumango lang ako sa sinabi ni Cindy. Hindi ko naman kailangan sumali sa mga ganyan eh. May misyon pa ako na dapat isipin. Eh kung sumali kaya ako kung saan kabilang sila Xave?

Nagsimula na kami maglakad ni Cindy palabas.

Ah Cindy... alam mo ba kung saang club kabilang ang 7aces?

Ahh oo, pero bakit mo natanong?

Ah eh, wala lang mukhang abala sila sa pagiging gangster nila interesado lang akong malaman kung may oras pa silang sumali sa clubs dito sa school.

Tiningnan lang niya ako ng matagal bago sagutin ang tanong ko.

Oo naman, diba sinabi ko sayo kanina na mahilig din sila magparticipate sa mga extra curricular activities dito sa school. Sa pagkakaalam ko si seven at five kabilang sila sa glee club kasi rapper sila. Si six at tres sa dance club. Si four sa art club, dahil magaling siya kumuha ng mga larawan, member din siya ng SSC auditor ang position niya. Si dos at uno naman ay sa basketball, si uno ang captain ng basketball.

Di pala ako pwede sumali sa club na sinalihan ni uno dahil panglalaki yung sinalihan niya. Siguro yung club na pwede lumapit sa club niya.

Sige dito nalang Gail. Magkita nalang tayo bukas. At niyakap niya ulit ako. Salamat talaga Gail kanina. At pagkatapos niya sabihin iyon ay nag umpisa na siya maglakad ulit. Kumaway lang ako sa kanya bilang paalam.

Nagumpisa na din ako maglakad pa uwi. Nilakad ko nalang ng mapagisipan ko kung saan ako sasali bukas.

Malapit na ako sa bahay ng maalala na wala nga pala si Nana. Baka mamaya pa ang dating ni Nana. Nang makita ko na may tao sa harap ng gate ng bahay agad akong lumapit.

Sino po sila? Nagulat naman ito.

Ah wala, kala ko sa kakilala ko yung bahay, nagkamali pala ako. At nagmadali na itong umalis.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon