Epilogue Part 2

277 15 33
                                    

[Someone]
Masaya akong nanonood ng palabas, isa ito sa paborito kong gawin pag may misyon ako dito sa mundo ng mortal.

Ayan na hahalikan na ng lalaki yung babaeng mahal niya. Malapit na konti nal—

Aishhh!! Inis akong napatingin sa aking libro ng makitang umiilaw ito sabay papalit-palit ng tingin dito at sa palabas.

Inis ko naman itong dinampot.

Aisshh!! Nakakainis ka. Nanonood pa ako eh. Agad ko naman itong binuksan at agad lumabas ang pangalan ng mortal na aking susunduin nang maglaho na ito ay nanlulumo kong tiningnan ang palabas na aking pinapanood. Bumuntong-hininga naman ako bago tuluyan maglaho.
——————————————————
Nandito ako ngayon sa taas ng isang building, iniintay ko ang pagtalon ng isang lalaki na susunduin ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay nakatayo sa gilid, isang maling hakbang lang ay mahuhulog na siya.

May dumating naman na babae para pigilan siya. Inip ko naman silang pinanood habang nakahalumbaba.

Mas maganda pa din ang palabas na pinapanood ko.

Nag diskusyon lang silang dalawa doon pero sa huli hindi nagawang pigilan ng babae ang lalaki at tumalon na ito.

Nang makita kong tumalon na yung lalaki ay agad kong kinumpas ang daliri ko para sundan ito.

Pagdating ko sa baba ay madaming mortal ang nagulat sa nangyari. Nang makita ko naman ang kaluluwa niya ay agad akong lumapit.

Ito na ang tinakdang oras mo. Ako ang sundo mo. Halika na. Inabot ko sa kanya ang kamay ko, tumango siya at kinuha ito. Naglalakad na kami ng biglang lumiwanag. Ito na ang hudyat.

Pumasok ka na diyan. Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko at nang magsara ito ay agad akong napabuntong-hininga.

Napatingin ulit ako sa hawak ko libro ng umilaw ulit ito kaya agad akong napanguso. Psh! Ayaw mo talaga akong papanoodin. Napailing naman ako bago tuluyang maglaho.

Lumipas ang mga oras at nagsunod-sunod ang mga sinundo ko, kaya ng matapos ako ay agad akong nagtungo sa lugar kung saan ako nanonood.

Nang makita ko na yung isa sa pinapanood ko ang pinapalabas ay agad akong pinatanong ang libro ko sa isang tabi at tutok na tutok manood. Sakto lang ang dating ko. Ngayon na kasi magkikita yung lalaki at babaeng bida sa kwento, ang lugar na ito ay sa isang tabing-dagat kung saan kitang-kita ang paglubog ng araw.

(A/N: sa sobrang giliw niyang manood ay hindi niya napansin ang ilang beses na pag ilaw ng kanyang libro)

Grabe! Sobrang ganda ng palabas, sa dulo ng kwento ay nagkatuluyan din sila.

Masaya kong dinampot ang aking libro at ngingiti-ngiting niyakap ito, hindi parin mawala ang tuwa ko dahil sa napanood ko.

Pagtalikod ko ay agad bumungad sa akin si Shin. Shin!! Gulat na tawag ko dito.

Kanina pa kita tinatawagan. At tiningnan niya ang libro kong yakap-yakap. Pabalik-balik ang tingin ko sa librong hawak ko at kay Shin sabay ngiti ng alanganin.

Hehe. Hindi ko napansin. Nakita ko naman na nakatingin siya sa likod ko sabay balik ng tingin sa akin.

Sumunod ka sa akin. Iyon lang ang sinabi niya sa akin bago maglaho.

Kamot-ulo ko naman siyang sinundan.
——————————————————
Nandito kami ngayon sa taas ng isang building.

Bakit tayo nandito Shin? Naguguluhan kong tanong. May misyon ka ba? Gusto mo tulungan kita? Kakatapos ko lang sa misyon ko. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na labis kong pinagtaka. Shi—

Masaya ka ba? Agad naman kumunot ang noo ko sa tanong niya. Bakit ganun ang tanong niya sa akin? Kahit naguguluhan ay sinagot ko parin ito.

Oo naman, kaso minsan pakiramdam ko may kulang. Siguro naninibago lang ako dahil tumaas ang rank ko mula sa kulelat hanggang sa naging rank 2. Hindi pala biro ang misyon mo noon Shin. Akala ko masaya at madali lang nagkamali pala ako. Nakatingin parin si Shin sa akin, nanlaki naman ang mga mata ko matapos kong makita ang unti-unting pagpatak ng luha ni Shin. Hala! Kelan pa siya natututong umiyak?!! Patakbo akong lumapit sa kanya.

Shin, lumuluha ka. Paano mo nagagawa iyan? Pinahid ko ang mga luha niya, baka may makakita sa kanya. Nagulat naman ako ng biglang hulihin niya ang mga kamay ko at hatakin ako para yakapin. Shin... gulat parin ako.

Naramdaman ko ang pag higpit ng yakap niya. Alam ko... alam ko ang totoong dahilan kung bakit hindi ka masaya...





...Dahil wala dito ang kasiyahan mo. Ha? Ano ba ang sinasabi ni Shin? Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita ulit si Shin. Masaya kami dahil naibalik ka namin at mas masaya ako dahil binigyan ako ng pagkakataon makasama ka kahit sa maikling panahon lamang. Mahal kita. Napangiti naman ako dahil sa narinig ko.

Mahal din kita Shin. Ikaw ang nag iisang kaibigan ko. Bumitiw na sa yakap si Shin.

Higit pa sa pagkakaibigan ang tingin ko sayo, pero alam ko na iba ang nilalaman ng puso mo na kahit nakalimutan man ito ng isip, ang puso ang siyang makakaalala dito. Gusto kong maging masaya ka. Tiningnan niya akong muli at nginitian.

Shin, hindi kita maintindihan. Naguguluhan ako. Ano ba ang sinasabi mo? Hindi ko na talaga siya maintindihan. May problema ka ba? Napagalitan ka ba ni Clyne? Sunod-sunod kong tanong.

Ito na ang tinakdang oras, sapat na ang panahon na pinaglayo kayo ng tadhana. Inatasan ako ni Clyne sa isang misyon, nais niyang ipagkaloob ko ang munting regalo sayo...

























...Gail. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko at nginitian ako.

Sa oras na hinawakan niya ang mukha ko, sari-saring imahe ang aking nakita. Mga pangyayaring bago ko lang nakita. Ibat-ibang mukha ng mga mortal na tumatawag ng aking pangalan. Unti-unting bumabalik at lumilinaw ang mga ala-ala. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko dahil sa kahuli-hulihang imahe na aking nakita. Isang salita lamang ang aking nasambit.



















Xave.
——————————————————
A/N: Epilogue part 2 is done! Yehey! Hindi naglaho si Gail. Magbunyi!!

Ps: see you sa part 3 😊

Oh my Angel!Where stories live. Discover now