-67-

234 13 0
                                    

[Gail]
Nang makarating kami sa school ay gaya parin ng dati, madami ang nag aabang kay Sky na kung tawagin ni Cindy ay "fangirls". Lahat sila ay napataas ang kilay ng makita nilang bumaba ako sa sasakyan ni Sky. Napabuntong-hininga nalang ako sa isip ko dahil sa nakikita ko. Mali ito, kahit pagpapanggap lang iyong sa amin ni Xave ang alam parin ng mga tao dito sa school na nobya niya ako at hindi maganda kung makikita nila na hinahatid at sundo ako ni Sky.

Agad naman hinawakan ni Sky ang kamay ko at hinatak na ako papasok. Binigay niya muna ang susi niya sa valet service.

Don't mind them. Mahinang sabi niya sa akin. Tumigil naman ako kaya napatigil din si Sky sa paglalakad.

Buti nalang walang masyadong tao sa lugar kung saan kami tumigil.

Sky. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo sa akin at sinabi mo nga na gusto mong ipakita ito, pero Sky ang alam kasi sa school ay nobyo ko si Xave at kahit alam mong nagpapanggap lang kami hindi magandang tingnan na pumapayag ako sa ganito. Sigurado ako na kung ano-ano na ang iniisip sakin ng mga tao dito sa school. Sana maintindihan mo.

Sorry, hindi ko alam kung paano ko ipapakita sayo at ipaparamdam sayo kung gaano kita kamahal lalo na ngayon ang alam ng lahat ay girlfriend ka ni Uno. Sige babawasan ko yung ginagawa ko. But please let me court you Gail. Wala naman ako magawa dahil kahit humindi ako alam kong itutuloy parin niya yung sinabi niya.

Matapos namin mag-usap ay balak pa niya ako ihatid sa room pero tinanggihan ko na ito at dinahilan ko nalang na dadaan ako sa locker.

Napabuntong hininga naman ako dahil nadagdagan na naman ang isipin ko. Malapit na ako sa locker ko ng makita ko si Chelsea. Aalis na sana ako para makaiwas kaso nasa likod ko pala ang alipores niya at hinawakan ako para hatakin papalapit kay Chelsea.

Sa tingin mo makakatakas ka sakin malandi ka? Nakangisi niyang sabi. May atraso ka pa sa akin, dahil sayo nagkawarning ako tapos ngayon dadagdagan mo pa, sobrang kati mo na ba at gusto mo lahat ng members ng 7aces ay makuha mo? Pilit naman ako kumakawala sa hawak ng alipores nila kaso mas lalo nila hinigpitan ang kapit sa akin.

Girlfriend ka na nga ni Uno, nakuha mo pa lumandi kay Dos. Sasampalin na sana niya ako, kaya napapapikit na ako.

Subukan mong ituloy iyan and you'll be dead. Pamilyar ang kanyang boses kaya napamulat ako.

U-Uno. Gulat na sabi ni Chelsea.

Lumapit naman si Xave sa amin pero hindi niya ako tiningnan.

Alam mo na ba ang ginawa niya Uno? She's flirting with Dos behind your back. Ditch her prince, she's a b*tch. Sabi ni Chelsea.

Sino ka para utusan ako? Natigilan naman sila dahil sa nakakatakot na pagkakasabi ni Xave.

Naramdaman ko din ang pagluwag ng hawak ng alipores ni Chelsea sa kamay ko.

Umalis na kayo sa harap ko bago ko gawing living hell ang pag aaral ninyo dito...Uno's way. Nakakatakot na sabi ni Xave.

Agad naman hinila ng alipores niya si Chelsea paalis. Nang mawala na ang mga ito, magpapasalamat na sana ako kay Xave kaya lang...

S-sala---

Sa susunod na makikipaglandian ka huwag dito sa school. Malamig na sabi niya bago magsimulang umalis.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now