-28-

259 13 0
                                    

[Gail]
Nakarating ako dito sa club room na para sa glee club. Kumatok naman ako ng tatlong beses tapos binuksan ko ang pinto.

Pagpasok ko lahat sila nakatingin sa akin. Agad naman ngumiti ang lalaking nakatayo sa unahan.

You must be Ms. Gail Dizon?

Tumango naman ako sa kanya.

Please come in. Kanina ka pa namin hinihintay.

Pasensya na po kung nahuli ako galing po kasi ako ng SSC office.

Oh! I see. By the way I'm Mr. Chan the glee club adviser. Ngumiti naman siya sa akin kaya gumanti rin ako ng ngiti. Agad naman niya ako pinaupo sa bakanteng upuan.

So, alam ninyo na kung bakit kayo nandito, napili namin kayo dahil sa unique quality voice na meron kayo. Though wala ako sa audition, napanood ko naman sa video recording ang audition ninyo. Some of you caught my interest. Ang glee club ay hindi basta club lang, ine-enhance namin ang vocal quality ninyo, iniimprove namin ito, inilalabas din namin kayo sa comfort zone ninyo. Kaya hindi porket ito ang genre na kinakanta ninyo ay iyon nalang i-challenge namin kayo to try different genre and style of music. Every activity ay iba-iba. Mahabang paliwanag niya sa amin. Masugid naman akong nakikinig ng may maramdaman akong nakatingin sa akin. Agad naman ako tumingin sa likod ko pero binawi ko din agad ng makitang si five na may masamang tingin sa akin ang nabungaran ko.

So, I need some information and contact info sa inyo para pag may practice and mga biglaang announcement ay i-contact nalang kayo. Nagbigay naman siya ng papel at pinapasa niya ito.

Nag sulat lang kami sa papel na binigay niya at maya-maya ay kinolekta na niya ito. Buong oras ng meet up ay pinagpakilala kami ni Sir Chan sa bawat isa, para daw madali samin pag nag collaboration kami sa mga activity na ipapagawa niya.

Noong hapon naman, nag patuloy lang ang klase. Nagkita kami ni Cindy at binalitaan niya ako na pumayag na daw ang amo niya na mag trabaho ako kaso bukas nalang daw ako mag umpisa dahil wala daw ang amo niya. Nais daw ako nitong makausap at makilala bago ako mag umpisa mag trabaho.

Ngayon kasalukuyan kaming naglalakad ni Cindy palabas na ng university.

Nakakatuwa Gail dahil magkakasama tayo sa trabaho. Nakangiti niyang sabi.

Oo nga, salamat talaga Cindy sa tulong mo para makahanap ako ng trabaho.

Ano ka ba wala iyon, kaibigan kita eh. Sige Gail, dito nalang magkita nalang tayo bukas. Diba pupunta ka pa kay ate Liz?

Oo, sige ingat ka Cindy. At umalis na siya, ako naman ay dumiretso na sa SSC office.

Pagdating ko ng SSC office agad akong kumatok at pumasok. Naabutan ko naman si Ate Liz na abala.

Ate Liz? Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

Andito ka na pala, halika. Agad naman ako lumapit sa kanya.

Halika na mag umpisa na tayo. Tumango naman ako sa sinabi niya.

Dalawang oras ang lumipas, at madami na ako natutunan sa kanya. Pinaliwanag niya kung paano gamitin ang printer, mga files na para sa SSC, ang schedule ni President Liam at marami pang iba. Hindi naman ganoon kabigat ang trabaho niya kaso marami lang siya. Ngayon nag papahinga na kami, bukas nalang daw ulit namin itutuloy ang pagtuturo niya sa akin.

Kung gusto mo na umuwi Gail mauna ka na, marami pa ako gagawin eh at may dadaanan pa ako. Basta bukas magkita nalang tayo mag actual ka na para malaman mo na kung paano i-aapply ang tinuro ko.

Tumango lang ako sa kanya at nagpaalam. Nakakuha naman ako ng mensahe kanina kay Nana na hindi siya makakauwi mamaya dahil abala daw sa mansion.

Palabas na sana ako ng gate ng makita ko si Xave na sakay ng motor niya. Naisip ko na sundan siya. Agad kong kinumpas ang daliri ko para mapalabas ang isang puting pakpak, tumingin muna ako sa paligid ng masiguradong walang tao agad akong bumulong.

Dalhin mo ako kung saan pupunta si Xavier Kier Montereal. Pagkatapos ko bigkasin iyon ay agad akong naglaho.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa harap ako ng isang bar. Kung ganoon andito si Xave. Agad naman ako pumasok sa loob at hinanap si Xave, hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siya sa may counter na nag iinom. Hay! May problema ba siya? Lalapit na sana ako ng may babaeng lumapit sa kanya at hinalikan siya. Iniwas ko na ang tingin ko at naglakad palabas. Sa labas ko nalang siya iintayin.

(Few hours later)
Ilang oras na ako nag iintay dito kay Xave, nilalamok na ako, hindi pa ba siya uuwi? lumalalim na ang gabi ah. Gaano ba sila katagal nagtutukaan ng babaeng iyon?

Bro, narinig mo ba ang balita andito daw ang leader ng 7aces, pagkakataon na natin para makaganti sa p*ta na iyon.

Talaga? Buti naman, kaya pala nangangati ang kamao ko eh. Tawagan mo yung iba nating kasama mas madami mas masaya. At nagtawanan pa sila.

Agad naman ako na alarma sa narinig ko at pumasok ako ulit sa loob. Hindi ko talaga gusto ang amoy ng bar. Halong halong amoy ang malalanghap mo dito. Halos hindi na ako makapasok dahil sa dami ng tao dahil sa nagsasayawan ang mga ito. Nang makarating ako kay Xave, tinulak niya yung babae na kasama niya kanina.

Get out!!!! You bitch. Agad naman umalis yung babae sa harap ni Xave. Lumapit ako kay Xave nakatungo lang ito sa lamesa. Mukhang lasing na ito. Paano ko ba ito ilalabas ng hindi naiipit sa dami ng taong sumasayaw sa gitna? Napalingon naman ako sa may pinto at nanlaki ang mata ko ng makita ang mga lalaking nag-uusap kanina tungkol kay Xave.

Xave? Gising, halika na umuwi na tayo. Pag kulbit ko kay Xave. Agad naman siyang tumingin sa akin.

Who..hik.. the... hik..hell are you? Get lost bitch! Ay nako Xave mamaya mo na ako sabihan ng kung ano ano. Kailangan natin makaalis dito.

Sumama ka sakin Xave kailangan natin umalis dito. Agad ko naman siya hinawakan sa braso kaso tinabig lang niya ito.

Don't touch me bitch! Aisshh.. bakit ba ang kulit nito? Pag kami inabutan ng mga lalaking may balak bugbugin siya malalagot kami. Agad naman ako nakaisip ng paraan. Wala na ako pag pipilian kundi gawin ito. Agad naman ako lumingon sa paligid kung may makakakita ba sa amin. Napadako naman ang tingin ko kay kuya na nasa loob ng bar.

Kuya? Tawag ko dito.

Yes ma'am?

Pwede mo ba ako igawa ng kagaya ng iniinom niya. Sabay turo sa iniinom ni Xave. Naguguluhan man ay tumalikod na ito, ginamit ko naman na pagkakataon iyon.

Xave! Lumingon naman ito sa akin, hinipan ko lang siya ng pampatulog, ginamit ko na naman ang kapangyarihan ko. Nang makatulog ito agad kong inakbay ang kamay niya sa balikat ko. Ang bigat niya!.

Nang madala ko siya sa liblib na lugar dito sa bar. Agad kong nilibot paningin ko para hanapin ang mga lalaking gustong saktan itong taong kasama ko. Nakita ko na malapit na sila sa pwesto namin. Agad naman ako nataranta, inikot ko paningin sa paligid ko, ng masigurado na walang tao sa paligid ay kinumpas ko ang kamay ko at nagpalabas ng isang pakpak, at agad kaming naglaho.

Kakaiba ka talaga Xavier Kier Montereal, ang hilig mo sa gulo. Bulong ko dito.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now