-6-

334 16 0
                                    

Gail's POV
Nanatili lang ako dito sa silid ko. Natatakot ako lumabas dahil sa lalaking tinatawag nilang five. Hanggang ngayon masakit parin ang kamay ko sa ginawa niya.

Gail. Agad akong napalingon sa tumawag sakin.

Shin! Masiglang bati ko.

Kamusta ka na dito? Wala parin akong makuhang balita at solusyon sa sitwasyon mo Gail. Abala parin si Clyne kaya hindi ko siya makausap.

Ganun ba. Malungkot kong sabi.

Hayaan mo pag may oras na si Clyne kakausapin ko siya wala paring binababang hatol tungkol sa nangyari kaya siguro abala si Clyne ay dahil doon.

Ayos lang Shin, may matitirhan naman ako sa ngayon kaya ayos lang. Basta balitaan mo agad ako.

Matatagalan ako makakabalik Gail. Sobrang dami ng misyong binigay nila sa akin, hindi ko pa rin tapos yung misyon ko dahil nakikibalita ako. Wag ka mag alala tatapusin ko ng mabilis ang misyon ko para matutukan ko ang pagtulong sayo.

Ayos lang Shin. Naabala ko na ang misyon mo. Ayos naman ako dito. Malaking bagay na yung tinutulungan mo ako makabalik. Salamat Shin.

Basta mag ingat ka dito. Limitahan mo muna ang pag gamit mo ng kapangyarihan mo dahil hindi natin alam ang magiging epekto sayo nito lalo na't naging tao ka.

Oo wag ka mag alala Shin. Nakangiti kong saad.

Aalis na ako tatapusin ko muna ang misyon ko. Babalitaan kita sa susunod nating pagkikita. Pagkatapos niya sabihin iyon ay agad siyang naglaho di kalaunan ay may kumatok sa silid ko.

Gail aalis kami pupunta kami sa kapatid ni Xave. Gusto mo bang sumama?

Sige ayos lang wala rin naman ako gagawin dito. Tumayo na ako at lumabas ng silid.

Bakit sinama mo pa iyan dos. Di mo talaga naiintindihan sinabi ko. Seryosong sabi ni five kay Sky. Bago ito tuluyan umalis at sumakay sa sasakyan niya.

Hindi ata gusto ng kaibigan mo ang presensiya ko. Hindi nalang ako sasama.

Wag mo nalang pansinin ang sinabi niya. Wala kang kasama dito. Mahirap iwan ka dito lalo na't di mo pa kabisado ang lugar dito. Halika na. Agad kaming lumabas ng bahay at nagtungo sa sasakyan niya.

Titig na titig ako sa sasakyan niya. Ngayon lang kasi ako makakasakay sa transportasyon na ginagamit ng tao. Nakakita na ako pero ngayon lang ako sasakay.

Ngayon ka lang ba makakasakay sa kotse? Tumango ako bilang sagot sa kanya. Ngumiti lang siya at pinagbuksan niya ako ng pintuan at iginaya niya ako sa upuan bago ito saraduhan, agad naman siya umikot sa kabilang bahagi ng sasakyan.

Buong byahe ay tahimik lamang ako nakatanaw sa labas ng bintana. Wala rin namang imik si Sky may malalim sigurong iniisip.

Di rin nagtagal ang aming byahe, pagkahinto ng sasakyan agad akong sumunod kay Sky. Medyo madaming tao sa loob at bago kami pumasok ay bumungad agad samin ang isang babaeng may kaedaran na.

Sky, iho, salamat at napapayag mo si Xave na mapapunta dito. Nagtataka lamang siya tiningnan ni Sky.

Andito na po si Xave?

Oo, kanina pa siya dito. Nandoon siya kay Sammie. May kasama ka pala iho. Ngumiti naman sakin ang babae. Nobya mo ba siya Sky?

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon